Rating ni VP Binay, Apektado ng Political Dynasty Issue

NANINIWALA ANG political analyst na si Ramon Casiple na malaking bagay sa pagbagsak ng satisfaction rating ni Vice Pres. Jejomar Binay ang isyu ng political dynasty.

Ayon kay Casiple, posibleng na-turn-off ang publiko sa kandidatura ni Nancy Binay, anak ng Vice President na wala namang background sa pulitika.

Maliban kay Nancy, re-electionist mayor din ng Makati City ang isa pang anak ni Binay na si Junjun habang re-electionist representative naman si Abigail Binay, anak din ng pangalawang pangulo.

Nakadagdag din daw ang problema sa imahe ni Binay na mistulang atat masyadong maging susunod na pangulo ng bansa.

Samantala, maliban kay Binay, bumagsak din ng ilang puntos ang satisfaction rating ni Senate Pres. Juan Ponce-Enrile, Speaker Sonny Belmonte at Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.