Rasuman, naghain ng ‘Not guilty’ sa arraignment

PERSONAL NA dumalo si Jachob “Coco” Rasuman, president at chief executive officer ng “Nad Auto Option” sa dalawang magkahiwalay na court arraignments sa hilagang Mindanao, kahapon.

Ito’y may kilamanan sa patung-patong na kasong syndicated estafa na kinaharap ni Rasuman at 10 iba pa na naisampa sa Lanao del Sur at mga karatig-probinsya lalo na sa Cagayan de Oro City.

Naghain ng “not guilty plea” si Rasuman sa sala ni Marawi City Regional Trial Court (RTC) Branch 10 presiding Judge Juenida Papandayan.

Sinabi ni Chief City Prosecutor Fidel Macauyag na si Rasuman ay binasahan nang kinaharap nitong kaso na isinampa ng mga dati nitong investors na kaniya umanong nakunan ng multi-bilyong investments.

Inihayag ni Macauyag na pawang monitoring na lamang ang ginawa ng kanilang tanggapan lalo pa’t may kautusan na noon ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima na tanging ang special panel of prosecutors na mula Metro Manila ang hahawak ng kaso.

Ayon sa opisyal, mula sa case arraignment sa sala ni Papandayan ay haharap din si Rasuman sa katulad na kaso sa Iligan City RTCH Branch 1 Judge Alberto Quinto.

Kinumpirma din ni National Bureau of Investigation (NBI) Iligan District officer Atty. Alex Caburnay na binigyan nila ng mahigpit na seguridad si Rasuman.

Sinabi ni Caburnay na maliban sa kanila, kasama rin sa nagbigay seguridad kay Rasuman ang dalawang armoured personnel carrier at mga sundalo na sumama sa convoy.

Mahigit P1 bilyong investments naman ang nalustay sa grupo ni Rasuman noong nasa kasagsagan pa ng malawakang pakikipag-transaction nito sa kanilang mga kliyente sa rehiyon.

Maaalala na si Rasuman ay unang dumating sa Laguindingan Airport kasama ang kanyang asawa na si Princess na nahaharap rin sa conspiracy bandang alas-6:05 ng umaga.

Kabilang din sa kinasuhan ang umano’y mga director at officers ng kompaniya na kinilalang sina Jirimaeh Amer Rasuman, executive officer; Jamiery Amer Rasuman, chief financial officer/comptroller; Jamela Rasuman Tomawis, assistant chief financial officer; Jalaimah Rasuman Manguron, marketing manager; Jerome Amer Rasuman, operations manager; Bashir Rasuman Jr., assistant operations manager; Amer Tomawis, tumatayong key accounts manager; Princess Tomawis Rasuman, secretary/accounts officer; Bashir D. Rasuman at Ema Amer Rasuman, na kapwa consultants.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.