‘RARE’ SA SHOWBIZ: Coco Martin, mapagkumbaba kahit sikat na

Coco Martin

KAKAIBA SIYA. Iba siya at mabibilang mo ang ang uri nila sa showbiz.

Natutuwa ako sa magandang paguugali ng aktor na si Coco Martin.

Makikita mo ang humility niya sa kanyang kapwa artista na kahit magkalaban sila sa box-office at kikitain sa MMFF 2018, si Coco, ipinu-promote pa ang pelikula ni Vice Ganda na Fantastica.

Maging si Anne Curtis, ipinush ng aktor sa kanyang Instagram account ang pelikula ni Anne na Aurora.

Based sa unofficial and unverified report ay pumapangatlo ang pelikula ni Anne tungkol sa mga multo ng mga nasawi sa isang aksidente ng isang pampasaherong barko na sumusunod sa balitang pangalawa sa box-office ang pelikula ng aktor.

Coco Martin and Vic Sotto

Mensahe at panawagan ni Coco sa kanyang mga followers: “Sana mapanood po ninyo ang pelikula na ito (Aurora) napagaganda po ng pagkagawa. Congrats Mam sa sunod-sunod na magagandang pelikula mo.”

Reply naman ni Anne sa kagandahang loob ng pagtulong ni Coco sa pelikula niya:” Salamat Mister Offficer. Hu hu… Na touch ako. Thank you!!! Sana makagawa din tayo one day. Congratulations sa buong Team nyo at ang lakas din ng movie nyo!!!”

I’m sure, maisasakatuparan ito. Magandang tambalan din ang Coco-Anne for a movie in 2019.

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.