Rapist, Nakonsensiya; Bebot, Ligtas sa Gahasa

NAKONSENSIYA ANG isang rapist kaya nakaligtas na magahasa ang isang dalaga, matapos pagnakawan ang kanyang pamilya sa Legazpi City, Albay.

Alas-9 ng gabi nang pasukin ng limang lalaki ang tahanan ng biktima sa Brgy. Bonga upang pagnakawan.

Tinutukan ng baril at iginapos ang mga biktimang sina Jenelyn Nuñez y Bosque, 11; Jerry Nuñez, 14; Gubeath Nuñez y Acuya, 25; Guillermo Nuñez Y Miña, 62; Amado Vergaray y Nuñez, 60; Marvin Miña y Perez, 14; at ang dalagang si Elsa, 18 anyos.

Sa salaysay ng dalaga, akma na siyang huhubaran subalit napasigaw na lamang ito sa suspek at sinabing, “Siguro naman may kapatid kang babae, at ayaw mong mangyari ito sa kanya.”

Kasunod nito ay tila natauhan ang suspek at sa halip ay tumakas na lamang kasama ang apat na iba.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.