Rapist, 10 Taong Nagtago, Arestado

MAKALIPAS ANG mahigit sa sampung taon na pagtatago sa batas sa kasong Rape at Act of Lasciviousness, nadakip na ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) at Community Intellegence Support (CIS) ang isang lalaki sa Malolos City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Inspector Richard Caballero kay Regional Chief P/Sr. Supt. Elmo Francisco Serona ng 3rd Criminal Investigation and Detection Unit-3, kinilala ang nadakip na suspek na si Jerry Ca-paroso, 46 anyos,tubong 151 Mars St., GSIS Subd., Matina, Davao City, at residente ng Menzyland Subd., Malolos City.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni SPO1 Louie Hipolito at SPO1 Edwin Pagsibigan, dakong alas-12:30 ng tanghali nang arestuhin ang suspek sa labas ng kanyang tahanan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Salvador Ibarreta Jr. ng Branch-8 ng Davao City RTC.

Nabatid sa ina ng biktima na si Mary, matagal na nilang minimithi na makamit ang hustisya para sa kanyang anak na 7 taong gulang pa lamang umano nang halayin ng suspek.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa CIDG detention cell.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.