Rapid Diagnostics Para sa TB, Sinasaliksik Gamit ang Nanotechnology

NAGAGAMOT ANG tuberculosis kung maagang made-detect o mada-diagnose, kaso aabot pa ng 72 hours o higit pa para ito maisagawa gamit ang kasalukuyang teknolohiya. Pero maari itong magawa sa pamamagitan ng nanotechnology.

Sa ginanap na 62nd Annual Convention ng Philippine Association for the Advancement of Science kasama ang Department of Science and Technology, nalaman na maaaring ma-reduce sa 4 hours ang 72 hours na diagnosis, ayon Kay Dr. Evangeline Alocilja ng Michigan State University, dating taga-Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development noong 1981.

Noong 2009, muli siyang bumalik sa bansa upang ipakilala ang mga posibilidad ng nasabing teknolohiya.

Ang PhilAAS ay pinangungunahan ni DOST Usec. Fortunato dela Peña bilang pangulo. Ginawaran din ng parangal ng grupo ang apat na mananaliksik.

 (MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.