Rape-Slay Suspect, Dedo sa Pagtalonsa Patrol Car

PATAY ANG isang suspek na dinakip sa kasong rape-slay ng 8-anyos na batang babae matapos tumalon sa sinasakyang mobile ¬patrol car habang patungo sa himpilan ng pulisya sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur kamakailan.

Kinilala ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba ang nasakoteng suspek na si Luca Lloren Galas Jr., 42 anyos, residente ng Brgy. Bayugan II, San Francisco.

Bago ito, inaresto ng mga operatiba ng pulisya ang salarin dakong alas-11:45 ng gabi noong Miyerkules matapos matunton ang pinagtataguan nito sa Brgy. San Miguel, Compostela Valley, apat na buwan matapos itong makagawa ng krimen.

Gayunman, matapos isailalim sa dokumentasyon at inisyal na pagsisiyasat ay ibiniyahe na ang salarin na ineskortan kamakalawa ng hapon ng mga operatiba ng San Francisco Police patungo sana sa kanilang himpilan nang tumalon ito sa tumatakbong mobile patrol car pagsapit sa highway ng Brgy. Wasian, Rosario, Agusan del Sur. Idineklara namang dead-on-arrival sa D.O. Plaxa Hospital ang biktima sanhi ng pagkabagok ng ulo.

Samantala, si Galas, ay isa sa mga most wanted na kriminal sa bayan ng San Francisco na may warrant of arrest sa panggagahasa at pagpatay sa isang 8 anyos na batang babae na itinapon pa ang bangkay sa may sapa ng Brgy. Bayugan II, San Francisco noong Enero 15 ng taong ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.