Rape or consent to threesome?

ISANG NAIIBANG KLASENG sumbong ang natanggap ng WANTED SA RADYO (WSR) noong Lunes, March 7, 2011. Ipapaubaya ko na sa inyo ang paghusga kung sino ang nagsasabi ng totoo – ang nagsusumbong o ang isinusumbong? Dahil sa mga maseselang salaysay, nakikiusap ang inyong SHOOTING RANGE sa mga wala pa sa hustong gulang na huwag nang basahin ito.

Si Lyn (hindi niya tunay na pa-ngalan), isang kasambahay, ay dumulog sa WSR para isumbong ang pagpilit sa kanya ng kanyang among babae na makipagtalik sa mister nito. Ayon kay Lyn, napilitan siyang magparaya ng dalawang beses sa kahilingan ng kanyang among babae dahil tinakot daw siya nito na may mangyayari sa kanya kapag hindi siya pumayag.

Sa unang pagkakataon daw, niyaya si Lyn ng kanyang mga amo sa isang resort sa Antipolo para sa isang pagtitipun-tipon kasama ang mga kaibigan nila. Nang makauwi na raw ang mga bisita, nag-inuman si Lyn at ang amo niyang babae.

Pagkatapos daw ng tig-aapat na shot ng Chivas Regal, tinamaan na raw si among babae at aminado si Lyn na pati siya ay medyo may tama na rin. Kasunod noon, niyaya siyang sa masters bedroom na sila matulog kasama ang among lalaki.

Pumayag naman daw si Lyn. Pagdating ng kuwarto, tinakot daw ng among babae si Lyn na sundin ang lahat ng gustong ipagawa sa kanya kundi ay may masamang mangyayari. Hindi na raw makapalag si Lyn. Hinubad daw ng among babae ang pantalon ni Lyn, panty at blouse.

Nang makita raw ng among lalaki na nasa ganoong ayos na si Lyn, dali-dali naman nitong tinanggal ang kanyang bra. Pagkatapos noon ay nakipagtalik na ito sa kanya. Ilang minuto ang makalipas, sa kasagsagan ng pakikipagtalik ni among lalaki kay Lyn, ibinaling naman nito ang atensyon kay misis at nakipagtalik siya rito. Kay misis daw niya itinapos ang sukdulan ng pagtatalik.

Naulit pa raw ang ganoong klaseng pangyayari. At ayon kay Lyn, kaya raw siya napilitang magsumbong na sa kanyang kapatid at magpasama na rin sa WSR para magreklamo ay dahil kababuyan na raw ang naranasan niya sa ikalawang pagkakataong iyon.

Sa pangalawang pagkakataon, matapos daw kasing makontento si among lalaki sa pakikipagtalik sa kanyang misis, ibinaling naman nito ang kanyang kamunduhan kay Lyn at nagparaos sa loob ng kanyang bibig.

Ngunit nang makausap ng inyong SHOOTING RANGE ang among babae ni Lyn, mariin niyang itinanggi ang mga paratang at sinabi niyang pinalayas niya si Lyn dahil nagtangkang magnakaw raw ito ng mumurahing cellphone. Pinagsabihan din ng among babae ang inyong SHOOTING RANGE na tumawag-tawag lang daw ako kung kailangan ko pa siyang makausap.

Ayon kay Lyn, ang amo niyang lalaki ay isang 60 years old na seaman at kararating lamang galing sa isang matagal na assignment sa abroad nang mangyari ang mga nasabing insidente. Paniwala ni Lyn, ginagamit siya ng among babae – na mahigit 50 years old – para tulungang muling umubra ang pagkalalaki ng kanyang mister.

Ang WSR ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay may simultaneous broadcast sa Channel 41 – na isang free channel. Sa Cignal Cable ito ay nasa Channel 1 at Channel 7 naman sa Destiny.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

2 thoughts on “Rape or consent to threesome?

Leave a Reply

Your email address will not be published.