Rape, naudlot dahil sa ‘putok’

NAUDLOT ANG GAGAWING panghahalay ng isang binata sa isang ginang nang magising ang huli dahil sa putok ng kili-kili ng una sa Caloocan City.

Nakakulong naman ang suspek na si Raymundo dela Rosa, 30 ng Sunriser Village, Llano ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 27, kapitbahay ng suspek, alas-4:30 ng kamakalawa ng umaga, nagising siya sa pagtulog sa loob ng kanilang kuwarto nang maramdaman na may humihimas sa kanya.

Sa akalang asawa ang humihimas, hinayaan niya ito subalit nang maamoy ang putok sa kili-kili ng lalaki ay napabalikwas ang biktima hanggang sa makita ang suspek sa kanyang tabi.

Nagpumiglas ang biktima at nagsisigaw na naging dahilan upang magtatakbo papalabas ang suspek.

Agad na nagsumbong sa mga pulis ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.