Randy Santiago, nakikiramdam sa posibilidad na magkasalubong sila ni Claudine Barretto

TIMPLADO SI Randy Santiago sa kanyang mga sinasabi tungkol sa isyung kinasasangkutan ngayon ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago. Naitatawid niya talaga sa pamamagitan ng mga pagbibiro kung ano ‘yung mga mabibigat sanang usapan na may kaugnayan sa kontrobersiyal na pinagdaraanan ngayon nina Claudine at Raymart. Nito kasing ipino-promote na ang pelikulang Raketeros, si Randy ang laging natatanong tungkol sa isyu.

Sa ngayon daw, nakikiramdam si Randy sa posibilidad kung mangyayari na muli silang magkita ni Claudine nang biglaan.  “Maliit lang kasi ang mundo ng showbiz, baka magkasalubong kami. Tsaka pareho lang kami ni Claudine na sa Rustan’s sa Katipunan Avenue namimili. Pero kung kilala ko si Claudine, hindi siya ‘yung tipong iisnabin ako. Ewan na lang talaga natin sa ngayon. Hindi ko rin kasi masabi,” wika ni Randy.

Hindi nga kasi nagpapainterbyu si Raymart, kaya may mga pahapyaw na nabibitiwang salita si Randy. “Safe lang ako. Ayokong magsalita in behalf of the family. Ayokong nasasaktan si Raymart. Hindi sila nagsasalita, sino’ng magsasalita? Alangan naming lumubog lang nang lumubog si Raymart nang walang magsasalita. Si Mama naman, sabi namin ay huwag na siyang magsalita. Kaya na namin. Kaya hayun lang si Mama, nagmumukmok! Ha-ha-ha!” pagbabalita pa ni Randy.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.