Randy Santiago, ‘di naniniwalang masasaktan ni Raymart Santiagosi Claudine Barretto

NAIKUWENTO NI Randy Santiago kung saan ngayon nakatira ang kapatid na si Raymart Santiago matapos ang break-up nito sa wife na si Claudine Barretto.

Ayon kay Randy, nasa paligid-ligid at nakikitira raw ang kapatid na si Raymart. Minsan raw ay sa kanila, minsan na kay Rowell at minsan ay nasa mama nila.

May sariling condo-unit si Raymart pero gusto nito makasama na lang ang mga kapatid at magulang kaysa mag-isang manirahan sa kanyang tinitirhan.

Samantalang hindi naniniwala si Randy na magagawang saktan ng utol niya si Claudine. Hindi raw ganoong klase ang kapatid.

Ibinigay na halimbawa ni Randy ang ginawang pagtatanggol ni Raymart sa asawa kay Mon Tulfo. Napaaway pa raw ang kapatid niya.

Tungkol naman sa sinasabi ni Claudine na video na hawak daw ni Raymart. Walang kaalam-alam si Randy at siya pa ang nagtanong sa mga press kung anong klaseng video raw ‘yun.

Anyway, whatever happens sa pagsasama nina Raymart at Claudine. Nandiyan lang silang magkakapatid para magbigay suporta at sana raw ay magkaayos ang dalawa alang-alang sa kanilang mga anak.

Tagahimas lang daw silang magkakapatid sa nangyayaring gulo sa kapatid na si Raymart at Claudine. Gustuhin man daw nilang makialam ay hindi puwede dahil at the end of the day, ang mag-asawa pa rin ang magdedesisyon sa kanilang kinabukasan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Randy Santiago, ‘di naniniwalang masasaktan ni Raymart Santiagosi Claudine Barretto

Leave a Reply

Your email address will not be published.