Randy Santiago, ayaw makialam sa isyu nina Raymart Santigao at Claudine Barretto

AYAW MAKIALAM ni Randy Santiago sa isyu ng kapatid na si Raymart at misis nitong si Claudine Barretto na last Monday ay nag-file ng TPO (Temporary Protection Order) sa korte sa Marikina Regional Trial Court.

Tila mas interesado pa si Randy sa usapang pagsasama ni Dennis Padilla and former wife na si Marjorie Barretto sa isang pelikula na gusto niyang i-direk after ng Raketeros (directorial debut niya sa pelikula) na ipalalabas na sa August 7 mula sa Heaven’s Best Entertainment na distributed naman ng Star Cinema kaysa sa isyu ng nakababatang kapatid.

Biro ni Direk Randy, mas interesting ang love story ni Dennis at Marjorie (don’t know kung nagbibiro siya) kaysa sa love story ng kapatid nito at ng misis niya.

Sa showbiz, paniwala ni Randy na mahirap na maging solid ang isang pagsasama lalo pa’t pareho kayong showbiz.

Mabuti na lang, kasal kay Malou Coronel (of Cinderella) na isang non-showbiz society personality ang singer-host-film director.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.