Randy Santiago at buong pamilya, nakasuporta lang kay Raymart Santiago

BAGO NANGYARI ang pagpapa-file ni Claudine Barretto ng TRO sa Marikina Regional Trial Court, nakausap namin si Randy Santiago sa presscon ng comedy film na Raketeros. The first directorial movie ng singer/comedian na pinagbibidahan nina Herbert bautista, Dennis Padilla, Long Mejia, Andrew E, at Ogie Alcasid under Heavens Best Entertainment, distributed by Star Cinema.

Naitanong namin kay Direk Randy kung ano ang mabigat na dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng mag-asawang Claudine at Raymart ?“Ayaw kong makialam, problema nilang mag-asawa ‘yun. Maging ang pamilya namin ay nalulungkot sa nangyari sa kanila, sana maayos. Sa tingin ko, sa isang relasyon, ang babae ang nagdadala ng pagsasama ng mag-asawa,”  say ng singer/director.

Hindi kaya nagkasakitan ang dalawa? Tanong uli namin kay Direk Randy. “Wala sa aming mga lalaki ang nananakit ng asawa. Kami naman nakasuporta lang kay Raymart. Nirerespeto namin kung anuman ang maging desisyon niya dahil pamilya kami.”

Oo nga, si Direk Randy lang pala sa magkakapatid na lalaki ang hindi hiwalay sa asawa. Nalaman din namin sa kanya, palipat-lipat ng bahay si Raymart. Wala pa itong sariling pad dahil naghahanap pa ito nang malilipatan. Ipinagkaloob na pala ng actor ang bahay nila ni Claudine sa asawa para na rin sa kanilang mga anak.

AYAW Paawat!

by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.