Random Drug Testing sa NPD, Sinimulan na Pulis na Positibo sa Droga, Sisibakin

TINIYAK KAHAPON NI Northern Police District (NPD) director P/Sr. Supt. Edgardo Ladao na sasampahan ng criminal at administrative case, o pagkakasibak sa tungkulin ang kaparusahan sa sinumang pulis na mapatutunayang gumagamit ng iligal na droga.

Kasabay nito, isinagawa kahapon ang random drug testing sa lahat ng mga opisyal sa NPD, kabilang na rin ang hepe at tauhan ng District Anti-Illegal Drugs – Special Operation Task Group (DAID-STOG) na pinamumunuan ni P/Chief Inspector Leoben Ong.

Kasama rin sa random drug testing ang mga hepe at tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs – Special Operation Task Group sa Valenzuela City na si P/Inspector Dexter Perez; SAID-STOG Malabon chief P/Sr. Inspector Arnel Dimalanta; Navotas SAID-STOG chief P/Supt. Rogelio Ramos; at Caloocan City SAID-STOG chief P/ Chief Inspector a Tarnate.

Ayon kay Ladao, sinadya nilang isailalim sa drug testing ang mga pulis dahil na rin sa mga reklamo na kanyang natatanggap sa pamamagitan ng text messages na maraming adik sa miyembro ng NPD.

Ang sinumang pulis na magiging positibo sa drug testing ay irerekomenda ni Ladao sa National Police Commission na sampahan ng kaso o ‘di kaya’y sibakin sa puwesto, alinsunod sa NAPOLCOM Memorandum Circular 2009-001.

“Ang daming reklamo eh, huli raw nang huli ng mga adik ‘yung mga pulis natin sa Northern area, ‘yun pala ang dami raw pulis na gumagamit ng droga,” paliwanag ni Ladao.

Sa pamamagitan aniya ng resulta sa drug testing, maka-klaro ang pangalan ng mga pulis na narereklamong addict sa text messages.

Dalawang oras lang ay malalaman na ni Ladao kung maraming addict na pulis sa kanyang nasasakupan at tatagal nang halos isang linggo ang drug test sa mga operatiba ng SAID sa buong CAMANAVA area.

(Roman Magpoc)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.