Rampadorang bading, kritikal sa kadyot

KRITIKAL ANG kalagayan ng isang bading habang nagpapagaling ang isa pa matapos holdapin at kadyutin ng icepick ang mga ito ng hindi nakilalang salarin sa Brgy. San Roque, Tanauan, Leyte.

Ang mga biktima ay pinangalanan lamang na si B1 na 19-anyos at 3rd year college sa isang paaralan sa Tacloban at residente ng Brgy. Canramos ng naturang lugar, habang si B2 ay residente naman ng Brgy. Buntay sa parehong bayan.

Sinasabing namamasyal lang sa isang baybayin sa nabanggit na lugar ang dalawa nang mangyari ang insidente dakong alas-12 kamakalawa ng hating-gabi.

Base sa report ng mga awtoridad, nabatid na dalawang cellphone ng biktima ang natangay ng mga suspek.

Ayon sa impormasyong nakuha sa Eastern Visayas Regional Medical Center, nabatid na dalawang tama ng icepick ang natamong sugat ni B1 kung saan kailangan itong sumailalim sa isang operasyon matapos maapektuhan ang baga nito nang matamaan ang kaliwang dibdib at likod ng biktima. Tumagos naman ang icepick sa kaliwang balikat ni B2.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang paghahanap ng mga kinauukulan sa mga suspek na residente rin ng naturang lugar na agad na tumakas matapos ang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Rampadorang bading, kritikal sa kadyot

  1. I really hate such a crime, and who will like it?
    Due to poverty, there’s a lot of crime that they try to do in order to get some money.
    Its good that he is still alive but its really a traumatic experience to deal with.

    Lorea
    My blog : gagner une voiture 

Leave a Reply

Your email address will not be published.