Ramon Revilla Sr., idinadawit na rin sa pork scam

Ramon-Revilla-SrHAY, NAKU! Hindi pa rin matapus-tapos ‘yang pagsalita ni Sen. Bong Revilla sa Senado.

Tingnan n’yo ngayon? Ang ama na nina Sen. Bong ang tinitira. Idinadawit na siya ngayon sa pork barrel scam ni Janet Napoles. Nakakaloka! Naka-wheelchair na lang nga si Mang Ramon, na halos hindi na makapagsalita, dinadamay na siya ngayon.

Kaya nu’ng lumabas ‘yun, hindi na raw nila pinabasa si Mang Ramon ng mga diyaryo, at hindi na rin pinanood ng TV para hindi na niya mapanood sa news. Binabantayan na lang daw nila para hindi na ito gaanong ma-depress.

Iyak nang iyak nga raw ito hanggang ngayon dahil naawa siya kay Bong.

Sabi naman ni Bong, hindi na sila nagtataka na lahat na lang sila sa buong pamilya ay dinadawit, dahil nga sa pasabog na inilabas niya nu’ng nagsalita ito sa Senado.

Haharapin naman daw ito lahat ni Bong, pero sana huwag naman daw silang husgahan agad at kung anu-anong panlalait na ang ibinabato sa kanila.

Nagpapasalamat naman sina Bong at ang buong pamilya sa mga nagtatanggol sa kanila dahil marami naman ang sumasagot at nagtatanggol para sa kanila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.