Guesswhodoes: Ramon Bautista and Chris Tiu does the “Sandbox-ing”

Kamakailan lamang ipinakilala sa publiko ang Sandbox, ang bagong online tambayan ng mga Noyping bagets sa internet. Puwede kang magpost ng iyong blog entry, mag-upload ng pictures, gumawa ng grupo at kung anu-ano pang trip mong gawin sa buhay mo.

Dalawa sa mga piniling celebrity endorsers ng social networking sites na ito ay sina Ramon Bautista at Chris Tiu. Tunay na kahanga-hanga ang dalawang binatang ito. Bakit? Si Ramon Bautista lang naman ay hindi basta-basta komedyante – isa rin siyang DJ sa radyo, artista sa mga indie projects, manunulat, modelo at propesor. Si Chris Tiu naman ay hindi lang basta kilabot ng mga kolehiyala – isa rin siyang host ng dalawang programa sa Kapuso network, commercial model ng ilang produkto, baranggay kagawad at basketball player! Hindi namin kayo binobola, huh?!

Anywayz, naispatan nga namin ang dalawang gwaping na ito sa launch ng nasabing websayt. Syempre, di pahuhuli ang parazzi sa pagkuha ng larawang pwedeng i-upload sa sarili nating Sandbox account. Kung gusto ninyo kaming makahalubilo sa Sandbox, bisitahin lang ang Pinoy Parazzi Sandbox group sa http://mostyle.mysandbox.com/group/view/282. O, ano na? Add na!

By Mica Rodriguez, Photos By Parazzi Wires

Click to enlarge.

loading...

One thought on “Guesswhodoes: Ramon Bautista and Chris Tiu does the “Sandbox-ing”

  1. Pingback: The Ramon Bautista Post

Leave a Reply

Your email address will not be published.