Guesswhodoes: Ramon Bautista and Chris Tiu does the “Sandbox-ing”
August 26, 2009
Visited 361 times, 2 so far today
under Photostories
Post Tags: Chris Tiu, guesswhodoes, Ramon Bautista, Sandbox

Kamakailan lamang ipinakilala sa publiko ang Sandbox, ang bagong online tambayan ng mga Noyping bagets sa internet. Puwede kang magpost ng iyong blog entry, mag-upload ng pictures, gumawa ng grupo at kung anu-ano pang trip mong gawin sa buhay mo.
Dalawa sa mga piniling celebrity endorsers ng social networking sites na ito ay sina Ramon Bautista at Chris Tiu. Tunay na kahanga-hanga ang dalawang binatang ito. Bakit? Si Ramon Bautista lang naman ay hindi basta-basta komedyante – isa rin siyang DJ sa radyo, artista sa mga indie projects, manunulat, modelo at propesor. Si Chris Tiu naman ay hindi lang basta kilabot ng mga kolehiyala – isa rin siyang host ng dalawang programa sa Kapuso network, commercial model ng ilang produkto, baranggay kagawad at basketball player! Hindi namin kayo binobola, huh?!
Anywayz, naispatan nga namin ang dalawang gwaping na ito sa launch ng nasabing websayt. Syempre, di pahuhuli ang parazzi sa pagkuha ng larawang pwedeng i-upload sa sarili nating Sandbox account. Kung gusto ninyo kaming makahalubilo sa Sandbox, bisitahin lang ang Pinoy Parazzi Sandbox group sa http://mostyle.mysandbox.com/group/view/282. O, ano na? Add na!
By Mica Rodriguez, Photos By Parazzi Wires
Click to enlarge.
Related Posts
Send us your celebrity gossip, photos and videos to mailbox(at)pinoyparazzi.com.










Read the LATEST 7howbiz News! Click here!
View Past Parazzi Issues here
[...] nakasama rin niya ‘ata ang namayapa nang si Francis M. sa isang komersyal ng kape. Siya rin yung kasama ni Chris Tiu sa Sandbox. Ah, oo nga. Hindi ako nagkakamali! Siya si Ramon [...]