Rambol sa Dota : 1 patay, 2 sugatan

NAUWI SA rambol ang masayang paglalaro ng LAN game na DOTA ng mga kabataan sa isang internet café na nagresulta ng pagkasawi ng isa habang dalawa pa ang sugatan sa Barangay Victoria, Zamboanga City.

Nakilala ang nasawing biktima na si Rizaldy Salva, 22; at ang mga sugatan ay sina Ricky Polinar, 30; at Percy Simer, 21, na pawang mga residente ng nasabing barangay.

Ang mga biktima ay kustomer ng Tambayan Internet Café sa natu-rang lugar kung saan nagkagirian ang mga ito at ang ibang grupo ng mga kustomer.

Dito na umano nagsimula ang rambol ng dalawang grupo na nagresulta sa madugong insidente.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang biktima habang patuloy na nilalapatan ngayon ng lunas ang dalawang nakaligtas.

Kaagad namang nahuli ng mga rumespondeng pulis ang dalawang suspek na nakilalang sina John Tatik at ang kasamahan nitong si Dan Saavedra na responsable as pananaksak sa mga biktima.                   (EC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Rambol sa Dota : 1 patay, 2 sugatan

Leave a Reply

Your email address will not be published.