Rambol ng kabataan sa beach; 1 patay

NAKAKULONG NA ang apat na mga binatang sangkot sa rambulan sa isang beach resort na ikinasawi ng isa katao sa Pasacao, Camarines Sur.

Kinilala ang mga ito na sina Robert Enciso, 19; France Ian Palian, 20; Jomar Porsona, 24 at Giovani Salvador, 24.

Base sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad, nabatid na 11 kabataan ang nasangkot sa matinding rambolan ng dalawang grupo na pawang naliligo sa Maria Maruha Resort sa nasabing bayan.

Ugat umano nito ang pagtanggi ng biktima na pagamitin ng videoke ang mga salarin.

Subalit sa gitna ng away ay bigla na lamang bumulagta sa baybayin ang biktimang si Jerison Dominguez matapos masaksak sa ulo.

Bagama’t nadala pa sa pagamutan ay idineklara ng dead on arrival ang biktima.

Samantala, sa isinagawang follow-up operation ay nahuli naman ang apat sa mga kabataang sangkot sa pangyayari.

Kasalukuyan namang inaalam ng mga awtoridad kung sino sa mga ito ang sumaksak at nakapatay kay Dominguez.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.