Ram Revilla, kagimbal-gimbal ang pagkamatay!

NAGIMBAL NAMAN KAMI sa balitang pinaslang si Ram Revilla na kapatid ni Sen. Bong Revilla sa ama.

Naging malapit din itong si Ram sa amin kasi nag-aartista rin ito at lagi itong isinasama ni Bong sa mga pelikula niya.

Medyo naging active lang ngayon si Ram sa mga projects niya sa Imus dahil balak na nga nitong pasukin ang pulitika.

Dapat nga ay tumakbo na itong Vice Mayor ng Imus nu’ng nakaraang eleksyon, pero pinigilan muna ni Bong dahil mabuting mapaghandaan niya nang mabuti.

Kaya nakalulungkot nang nabalitaan namin ito na basta na lang pinatay sa loob mismo ng bahay niya. Hanggang ngayon, wala pang ideya kung sino ang pumatay, although may mga pinag-uusapan na sila tungkol sa mga suspects, pero ayaw muna nilang pag-usapan pa ito sa publiko.

Si Sen. Bong at mga kapatid nito ang talagang nag-aasikaso kay Ram at sabi nga nila, hindi sila titi-gil hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ram.

Nag-announce si Bong na magbibigay sila ng pabuya na P500,000 sa kung sino man ang makapagtuturo sa pumatay. Pero ang isa sa pinag-uusapang dahilan ng pagkamatay ay baka ang babaeng kasama nito sa bahay.

Ang kuwento, ex-girlfriend daw niya ito at baka nga ito talaga ang dahilan dahil ang babae muna ang unang sinaksak bago si Ram.

Pati nga ang kapatid ni Ram na si Mara ay tinangay nu’ng mga taong ‘yun at mabuti na lang hindi nila ginalaw at pinakawalan din sa may Las Piñas. Mga bandang alas-tres ng umaga na raw nakuha ito nina Bong sa may headquarters.

Bukas ay ililibing na si Ram sa kanilang memorial park sa Angelus Eternal Gardens.

 

NAGTATAKA AKO KUNG sino ang malakas na supporter ni Nadia Montenegro at sunud-sunod ang mga kasong isinampa nito kay Annabelle Rama. Nu’ng nakaraang Biyernes ay may panibagong kaso na naman itong isinampa laban kay Bisaya.

Kasong Libel at Unjust Vexation ang isinampa niya dahil sa mga ipinu-post daw nito sa kanyang Twitter account na obvious na siya raw ang pinatatamaan.

Bale tatlong kaso na ang isinampa ni Nadia. Bongga ha! Galit na galit na si Nadia at mukhang malabo na silang magkakaayos niyan.

Ayaw munang magkomento ni Annabelle tungkol dito sa panibagong kaso. Hindi pa raw niya nababasa ang affidavit kaya ayaw raw ng abogado nito na pagsalitain siya.

Wala na rin munang comment ito sa Twitter account niya. Basta sabi ni Bisaya, hindi naman daw niya ito uurungan. Ilalabas daw niya ang lahat tungkol kay Nadia. Keseho-dang araw-araw siya sa korte, haharapin daw niya ito lahat kay Nadia. Next week kaya may ikakaso na naman siya? Naku ha!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Ram Revilla, kagimbal-gimbal ang pagkamatay!

  1. Halatang may kinalalaman yoong dalawang kapatid ni Ramgen. si Genelyn and children, nasa Baguio na eh bakit si Joseph at Ramona, nagpaiwan sa bahay nila. At noong napatay si Ramgen, sabi ni Ramona kukuha ng ambulance, umalis ng bahay si Ramona at si Joseph palabas ng subdivision, bakit sila hindi na bumalik para magdala ng police and ambulance. at ang isang inocente sa crime, hindi mo tatakpan ang mukha mo dahil wala kang ginawang masama.

  2. pinagtatanggol pa ng ina nila ram yung 2 ugok na mamatay tao na anak niya! anong klase kang ina? guilty yang 2 na yan. halata sa action nila.

  3. Maski hindi ako fan sa mga Revilla pero my heart goes out to the parents. Napakasakit nito na ang mga anak nagpatayan na. Hindi kaya greed of inheritance ang reason sa tragedy na ito? Ang daming anak ni Senator Ramon, ilang babae ba ang naanakan nya?. RIP Ram. What a tragedy, lalo na kadugo pa mismo ang pumatay kay Ram.

  4. condolence sa pamilya revilla kahit di ako fan ng mga revillas nakakalungkot ang ganitong pangyayari lalo na sa mother at father ni ram at sa 2 pang anak na nasasangkot. na batang bata  din GOD BE WITH YOU

  5. Sana mahuli na kung sino ang walang awa na pumatay at sana mabigyan ito ng hustisya but don’t worry ipagpipray ko kay God na mabigyan agad ng hustisya ang pagkamatay niya..”)

  6. very good move nadia. let them explain in the court at hindi ung sobrang publicity. nagagamit pa nila ang isyu para mapag usapan.

  7. Sana malutas na ang kaso ni Mr.Ram revilla…dont give them a chance na makagawa uli ng krimen..

    Kay anabelle thats good for her para matuto…at sanay na sya na lagi may kaso…

Leave a Reply

Your email address will not be published.