Raliyista, Nasa’n ang Solusyon N’yo? – Malacañang

HINAMON NG Palasyo ang mga nagpo-protesta laban sa pork barrel na mas mabuting magrekomenda para maisaayos ang bagong sistema.

Ito ay sa harap ng sinabi ng mga raliyista na hindi natatapos sa Luneta ang kanilang kilos-protesta at balak pa nila itong ulitin sa mga susunod na araw.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, maganda ang maglabas ng saloobin pero mas mainam kung may kongkretong solusyon para matiyak na wala nang katiwalian sa binuong bagong mekanismo.

Kasabay nito, umal-ma rin si Lacierda sa pagdududang gagawa rin ng paraan sina Speaker Sonny Belmonte at Senate President Franklin Drilon para makahanap ng palusot at magkakaroon pa rin ng ‘pork barrel’.

Sinabi ni Lacierda na unfair ito at hindi dapat hinuhusgahan sina Belmonte at Drilon sa kani-lang pagbuo ng bagong mekanismo.

Iginiit din ni Lacierda na hindi ito papayagan ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino  III at kanyang babantayan ang paglalaan sa pondo ng pamahalaan.

“You’re thinking that the Speaker will find a [way]… That’s a—medyo bad faith ‘yung premise mo, eh. Ang ibig mo sabihin kaagad… Ang unang premise kaagad dahil mambabatas, ang una nilang gagawin ‘hanap tayo ng lusot.’ Hindi ganoon. Hindi papayag si Presidente. Kaya nga ginawa itong lahat, eh. Nag-usap na nga sila, nandoon si Speaker Belmonte, alangan [namang] ang unang iisipin nila: ‘Paano tayo makakalusot dito?’ Parang hindi yata tama ‘yon. Ang premise ng tanong mo medyo bad faith—may bad faith kaagad na ma… Medyo hindi tama ‘yon. You should… On board na sina Speaker Belmonte at Senate President dito. So to say that is to impute bad faith on the Speaker, on the Senate President, which is I think unfair. They have already discussed this. They are on board with the abolition of the PDAF. They are on board with the budget—the new budget mechanism, so let’s give them space. Let’s give them time to discuss this and, until such time, we are in no position to judge what they want to—what they wish to do,” ani Lacierda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.