Rakista, naningil ng talent fee para sa interview?!

BLIND ITEM: KINSA Siya? Nakakaloka ang kuwentong ito kahit mga ilang buwan na rin ang nakalipas nang mangyari ang engkuwentro sa pagitan ng isang rakista at staff ng isang TV show.

Kapanahunan ng summer noon nang magpasya ang isang show na magpadala ng crew sa mala-paraisong isla sa Pilipinas dahil dagsa nga rito ang mga artista at mga sikat na personalidad kapag tag-init upang magbakasyon. Sa unang araw ng staff sa isla, lakad sila nang lakad sa puting buhangin sabay na rin ang pagmamasid sa mga taong nag-e-enjoy sa maputing buhangin at malinis na dagat.

Naispatan ng grupo ang isang rakista na papalabas sa kanyang pinag-stay-ang hotel upang mananghalian. Palibhasa, kasama nila itong nagtatrabaho sa kanilang istasyon, kinawayan nila ito at kinausap naman sila. At dahil nga matagal pa namang magliwaliw sa isla si rakista, umokey ito na sa susunod na araw gawin ang panayam sa kanya. Medyo matumal ang dating ng mga artista sa isla noong panahong ‘yun kaya kahit sinong singer, artista o mga personalidad sa sports, ini-interview talaga ng TV crew para naman maka-boundary sila sa mga interviews.

Kinabukasan, inabangan agad ng TV crew si rakista sa labas ng hotel niya at bumaba naman ito sa oras na napagkasunduan nila. Sa madaling salita, nakapag-interview nga ang TV crew at nagpaalaman na sila. Kinagabihan, painum-inom sa dalampasigan ang TV crew nang biglang may nag-text. Si rakista ang nagparamdam at nag-imbitang mag-happy-happy naman sila.

So may-I bihis na ang staff para puntahan sa bar na kinaroonan ni rakista nang biglang may nag-text, again, si rakista at ang sabi, asan na raw sila, party na raw at painum siya bilang bayad sa interview niya. Biglang nalungkot ang TV crew, akala pa naman nila ay ilibre sila ni rakista, ‘yun pala ay ito pa pala ang umaasang ililibre siya bilang talent fee sa interview niya. Hala, nakakaloka!

KUNG EXCITED SI Alice Dixson sa paglabas muli sa telebisyon, labis-labis naman ang tensiyon ng Prinsesa ng TV5 na si Alex Gonzaga dahil sa naglalakihang pangalan na handang sumuporta sa kanya sa kanyang pinakamalaking break so far sa kanyang career. Hindi inaasahan ni Alex na ganito kalaki ang ipagkakaloob na tiwala sa kanya ng istasyon, isang dramaseryeng nakatakdang magsimula sa Pebrero.

Ano kaya ang masasabi niya na makakasama niya si Miss Susan Roces? “Hindi ako makapagsalita, alam mo sa totoo lang nu’ng nalaman kong sila ang makakasama ko… nababasa ko lang kasi ang pangalan niya du’n sa Eastwood eh, the Queen of Philippine Movies, ‘pag nanonood ako ng Cinema One, tsaka pag nagwo-workshop ako, isa siya sa mga sinasabi na, ‘katulad nina Miss Susan Roces’. Parang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na makakasama ko sila.”

Sa Linggo, January 16, isi-celebrate ni Alex ang kanyang 23rd birthday at wish namin sa kanya na maging very successful ang kanyang mga projects lalo na ang Babaeng Hampaslupa. Happy birthday, Alex!!!

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

Related Post

loading...

3 thoughts on “Rakista, naningil ng talent fee para sa interview?!

  1. Ang cute niya. Natutuwa ako sa kanya sa Juicy. Very discreet din siya kapag nagko-comment. Hindi pangit pakinggan ang opinions niya. Hindi nakakasakit ang mga comments niya pero direct to the point.

  2. galing niyang c alex halos kapareho niya ang ate niya na c toni gonzaga good luck alex lagi akong nanonood ng juicy at paparazzi kc ang galing nilang mag balita ng 22o kya cguro marami ang nanonood sa kanila mabuti na iyon alin na nga ba sa ibang stasyon karamihan plastik…kya nga maraming galit sa mga taga tv5 kc puro diretso at 22o…

Leave a Reply

Your email address will not be published.