Raket ni Chairman

0905570xxxx – Idol Raffy, ako po ay driver po ng Cavite-Zapote baby bus. Hindi na po namin makaya-nan ang araw-araw na lagayan na nangyayari rito. Wala na po kaming natitirang kita dahil sa araw-araw na panghihingi sa amin. Katulad na lang po ng barangay chairman sa Zapote, sa pagbaba ng tulay pa-puntang Las Piñas ay may binibili kaming sticker sa kanya na nagkakahalaga ng 50 pesos at may 40 pesos din po kaming ibinibigay sa kanya na ipinakokolekta niya sa kanyang alalay. Hinuhuli nila kami kapag wala kaming sticker. Sana po ay matulungan ninyo kami.

0928784xxxx – Idol, gusto ko lamang pong isumbong sa inyo ang iligal na pagbibitbit ng baril ng mga bata ni chairman sa Brgy. Langkiwa, Biñan, Laguna. Lagi po silang nanunutok at nangti-trip kapag lasing. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat.

0907753xxxx – Sir Raffy, reklamo ko lang po ang mga kanal at manhole dito sa lugar namin sa Brgy. 97 Zone 98 Velasquez, Tondo. Lagi po kasing barado at puno ng basura. Natatakot po kami kasi marami nang nagkakasakit ng Dengue dito sa aming lugar. Sana po ay maiparating ninyo ito sa mga kinauukulan. Maraming salamat po.

0948427xxxx – Sir, pakikalampag naman po ang agency na Building Care Corporation dahil hanggang ngayon ay hindi pa nila ibinibigay ang backpay ng mga emple-yado nila. Below minimum din po ang pasahod nila sa kanilang mga empleyado. Salamat po at God bless.

0933481xxxx – Sa Pineda Elemetary School sa Pasig City ay masyadong madaming bayarin ang sinisingil sa mga estudyante. Katulad na lamang po ng test paper, mga xerox at pati na rin po ang pagbebenta ng mga teacher ng kanilang mga paninda na inoobliga ang mga bata na bumili. Ang dami rin pong kinukolekta na para raw sa pambili ng electric fan, water dispenser, kurtina at kung anu-ano pa. Kapag hindi po nagbayad o nag-participate ang bata ay apektado po ang grades nila.

0906366xxxx – Sir Raffy, rito po sa lugar namin sa Access Road, Pasay City ay laganap ang nakawan sa mga tindahan. Marami na po ang hinoldap dito katulad ng mga bigasan, tayaan ng lotto, bayad center at iba pa. Sana po ay makalampag ninyo ang mga kinauukulan para maaksyunan ang aming madalas na problema dito sa lugar namin. Salamat po.

0909125xxxx – Sir, isusumbong ko lang po sa inyo na noong Biyernes, bandang alas-onse ng gabi, iyong dalawang pulis na sakay ng SHL 173 ay nagungotong sa mga truck.

Para sa inyong mga sumbong at reklamo, maaari kayong mag-text sa 0917-7-WANTED o dili kaya sa 0908-87-TULFO. Ang aming action center ay matatagpuan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe, Makati City. Ito ay bukas Lunes hanggang Biyernes, 10:00 am to 5:00 pm.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.