RAINWATER HARVESTING SA MARIKINA

NAGLUNSAD NG ECO-FRIENDLY project na “rainwater harvesting” ang  Pamahalaang local ng Marikina City.

Pinangunahan ng City Environmental Management Office (CEMO), ang proyekto na inilunsad para sa mahihirap na residente sa lungsod.

Layunin ng proyekto na matuto ang mga Marikenyo sa kahalagahan ng pangungulekta, pag-ani, at pag-recycle ng tubig ulan na maaaring gamitin bilang “public consumption” at paglilinis sa mga pampublikong lugar sa lungsod.

Naglagay ang CEMO ng 6,000-litro ng tangke ng tubig sa Marikina Sports Park (MSP) Building upang kumulekta sa tubig ulan.

Ang ni-recycle na tubig ulan ay ginamit sa paglilinis sa mga pampublikong palikuran at pasilidad ng MSP Bldg., na kung saan pinu-purify ang tubig na ito para maging ligtas at maaaring inumin gamit ang minerals sa loob ng tangke.

“This program is a way of reminding our residents that we must not solely rely on our water supply but also on our resourcefulness and the abundance of nature,” ani CEMO Chief Gloria Buenaventura.

Naka-kolekta naman ng aabot sa 3,000 litro ng tubig ang CEMO at kasalukuyan na itong ginagamit sa MSP complex.

“This program prepares our residents to become resourceful and at the same time, economical, so if and when we experience diminishing water supply, we are ready,” dagdag pa ni Buenaventura.

GIGI CONVOCAR

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.