Rainier Castillo at Rodjun Cruz, Naghubad na Rin!

NAGHUBAD NA RIN ang young actor na si Rodjun Cruz, ang kapatid ng ABS-CBN actor na si Rayver Cruz. Ganoon din si Rainier Castillo. At least, for a sexy magazine lang naman. Ito ay sa sa Folio, isang X-ray magazine special.

Nasa pangangalaga na ni Noel Ferrer si Rodjun, pagkatapos mag-expire ang contract nito sa Star Magic ng ABS-CBN.  Nakikita na rin sa PO5 ang bagets actor, ang Sunday variety show ng TV5, kung saan consultant si Noel sa talk and variety shows.

Si Rainier naman na like Rodjun eh, nakilala rin sa kanyang wholesome image, sumabak na rin sa sexy pictorial. Isa si Rainier sa mga naunang nag-sign ng contract with TV5 at hinawakan na rin ni Noel ang paglipat nito mula sa GMA-7 kung saan siya nagsimula as StarStruck winner/runner-up.
Kung “hanggang saan” ang ipinakita nina Rodjun at Rainier sa Folio eh, sight n’yo na lang.
For us, magpapakita na rin lang ng “reinvention” sa career via pagpapa-sexy, dapat ay tinotodo na, para sulit ang ibabayad ng fans, huh! Tutal eh, maghuhubad na rin lang, ‘di ba?

Kasama sa roster ng artists ni Noel na mga nagpa-sexy rin sa magazine pictorial na ‘yun sina Joross Gamboa, Luis Alandy, Marco Alcaraz at Edgar Allan Guzman. Pati na sina Tutti Caringal of 6 CycleMind at Kean Cipriano of Callalily ay naghubad dito, huh!
Si Joross, nanggulat na sa Cosmo 69 Bachelors. Si Luis ay napanood na nating nakabalandra ang hubad na katawan at naka-briefs lang sa Penis Talks sexy play ni Joel Lamangan. Si Marco, ilang beses nang rumampa sa Bench underwear shows noon. Si Edgar ay lumalabas sa sexy indie films.

So, kung may bago man at curious ang gay and female fans, sina Rodjun and Rainier ‘yun. Kanya-kanyang taste rin kasi ang mga hitad na reporters, may type ang mga bagets pa ang hitsura, meron namang hunks like us. Hahaha!

“Exploring new grounds” ang drama ng mga aktor na ito upang maka-connect sila sa mas malawak na discriminating audience.
MARAMING Dong-Yan fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kinilig, siyempre pa, sa part ng official statement ni Dong sa rift between his girlfriend Marian and Bela Padilla — na last Tuesday eh, pinagbati na rin naman ni Ms. Wilma Galvante ng GMA-7, in a closed door meeting sa office nito, at walang pinagbigyang TV interviews ang dalawang Kapuso stars.
Sabi ni Dong in his statement: “As someone who believes in Marian’s character and loves her dearly, wholeheartedly, without boundaries, IN THIS LIFE OR THE NEXT, I would like the readers/public/spectators to know that I will be behind her, beside her, and even in front of her in fulfilling her dreams and aspirations.

“Our relationship is at its strongest point now, more than ever.”

Sabi nga, parang pang-Endless Love ang pag-ibig ni Dong kay Marian sa pahayag niyang ito. Gano’n nga siguro kalaki ang pagmamahal ng aktor sa kasintahan.

As for Marian, patuloy lang ito sa pagtatrabaho at nakapag-start na siyang mag-shooting ng Super Inday, ang pang-Metro Manila Film Festival 2010 entry ng Regal Enter-tainment.

Ilang araw namang na-confine si Dingdong sa St. Luke’s hospital dahil mababa ang platelet count ng dugo nito. Kaya sinabihan ito ng doktor na magpahinga, at sa Monday pa marahil puwedeng mag-resume mag-taping ng Endless Love.

Follow us on Twitter at www.twitter.com/mellnavarro.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

9 thoughts on “Rainier Castillo at Rodjun Cruz, Naghubad na Rin!

  1. -…. good decision for rainier and rodjun para mas mapalawak ang kanilang exposure and career…

    -…. super kilig ako kina DD and MR….

Leave a Reply

Your email address will not be published.