Rainier Castillo’s Killer Smile

Isa sa mga artistang ipinakilala na bagong ‘Kapatid’ sa TV5 ay ang dating Starstruck Prince na si Rainier Castillo. Natuloy ang paglipat ng binata kahit pa may mga tsismis noon na may problema pa sa kontrata niya sa Siyete.

Hindi maipagkakailang sumikat talaga si Rainier. Salamat sa mga sumikat na mga Asianovelas, binuhay ni Rainier ang mga ilusyon ng fans na magkakaroon ng local counterpart ang mga kinikiligang chinitong artista sa Taiwan at Korea. Aminado naman si Rainier na hindi siya kasing galing ng mga kalaban niya sa Starstruck tulad nina Mark Herras (Dancing), Dion Ignacio (Acting) at Christian Esteban (Hosting), pero siya ang pinakapanalo sa masa. Sabi nila, ang killer smile daw niya ang tunay na pumukaw ng interes ng madla sa kanya. Tunay nga naman kasing napaka-sincere ng kanyang ngiti.

Naging jowa niya ang kapwa-Starstruck candidate na si Sheena Halili, pero kay Yasmien Kurdi siya ipinareha. Sa maikling panahon ay naging patok din naman ang kanilang loveteam, pero may mga nakapansin na simula nang pinili ni Yasmien na maging serious drama actress, parang tumamlay ang karir ni Rainier.

Kung dati ay palaging bida, biglaan na lang naging support ang mga roles na itinotoka kay Rainier. Huli siyang napanood sa Full House, pero hindi naibalik ang dating ningning ng kanyang bituin. Tamang-tama naman na kumatok sa kanyang pintuan ang offer ng Singko at dito lang nalaman ng kanyang kampo na 2008 pa pala tapos ang kanyang kontrata sa Kapuso network. Naku!

Noong Marso 25, nakumpirma na nga ang paglipat ni Rainier sa TV5 dahil present siya sa Grand Launch ng ‘Kapatid’ network. Nasabi nga niya na makakasama siya sa isang gag show at musical variety show. Niluluto na rin ang ilang primetime shows at malamang, kasama siya sa mga magbibida roon.

Panibagong hamon kay Rainier Castillo ang pakikipagsanib niya sa Kapatid network. Mapatunayan na kaya niya na hindi lang ‘smiling’ ang talent niya?

By Pinoy Fans Club

loading...

2 thoughts on “Rainier Castillo’s Killer Smile

  1. hoy Lane BOBO dami mong paliwanag dyan eh di namn totoo yung lumabas na report na psych test yung mismong sinabi nakapirma sa report na pari ang nagsabi peke ito anu yun sinungaling si father caluag hehehe. kaya walang nangyayari sa pinas dahil sa mga katulad mong bopols dami dakdak di namn nagiisip kung tama o tooo yung pinagsasabi….engot

Leave a Reply

Your email address will not be published.