Rain gauge at CCTV, dapat dagdaganPagkakaisa ng Dam Operators, Hiniling

 

UPANG MATIYAK ang kaligtasan ng mga Bulakenyo at mga residenteng naninirahan malapit sa tabi ng ilog, sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na pinamumunuan ni Executive Officer Liz Mungcal, hinikayat ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado ang mga dam operator at mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng malinaw na koordinasyon upang maiwasan ang pagbaha sa mga mababang lugar ng probinsiya.

Kabilang sa mga ahensiyang nagpapatakbo sa mga dam sa Bulacan na inanyayahan ng gobernador ay ang National Irrigation Authority, Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Manila Water, National Power Corporation, Maynilad, at ang mga operator ng Bustos Dam, Ipo Dam at Angat Dam.

“It’s like playing basketball, we need to have teamwork, inform each agency properly particularly the people that will be affected by the release of water. Most of the time, Bulakenyos are left blindsided by the immediate release of dam waters. Kaya dapat nag-uusap tayo, dahil isa lamang sa atin ang magkamali ay nagdudulot na ng problema,” ani Alvarado.

Hinimok din ni Alvarado si Engineer Hermie Medrano ng Ipo Dam na ipagbigay-alam kay Engineer Felix Robles ng NIA bago magtapon ng tubig upang makapaghanda agad ang Bustos Dam at makapagpalabas din ng tubig bago pa man dumating ang tubig mula sa Ipo Dam. Ipinaliwanag din niya na isa rin sa mga problema ay ang pagiging sub-reservoir ng Ipo Dam para sa Maynilad.

Ayon naman kay Vice Governor Daniel Fernando, lubhang mahalaga ang pagkakaroon ng mabilis at maayon na ugnayan ng bawat namamahala sa mga nabangit na dam, dahil sa isang iglap na pagkakamali, posibleng marami ang magbuwis ng buhay na naranasan noong mga bagyong Ondoy, Pedring at Qiel.

“Dapat ang Ipo Dam ay may preemptive release bago magbaha. Kaya lang, hindi ito maisagawa dahil sa Maynilad. Kaya dapat magkaroon ng sariling sub-reservoir ang Maynilad. Meanwhile, habang wala pang sub-reservoir, dapat nagkakaunawaan ang mga operator ng mga dam. As much as possible, dams must maintain high water carrying capacity especially during rainy season.”

Hiniling din niya na maglagay na ng CCTV at karagdagang rain gauge sa mga dam upang matiyak na maayos na napapamahalaan ang mga dam lalo na sa panahon ng mga bagyo.

(TONY  DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.