Raikko Mateo, isasalang sa ibang shows

Raikko-MateoPANGAKO NI Biboy Arboleda, head ng AdProm ng DreamScape Entertainment ng ABS-CBN na hindi nila pababayaan si Raikko Mateo aka Honesto kahit magtatapos na sa March 14 ang teleserye na nagbibigay-aral sa mga batang manonood na maging tapat at honest sa pang araw-araw nilang ginagawa sa buhay.

After ng teleserye with an advocacy, naka-schedule na si Raikko sa mga shows ng Kapamilya Network.

Marami ang nanghihinayang sa pagtatapos ng palabas, lalo na ang mga parents ng mga bata na mga fans ng palabas dahil sa pamamagitan ng Honesto, natututo ang mga anak nila sa isa sa mahalagang virtue sa buhay, na dapat maging matapat at honest sila kahit sa ano mang paraan.

Sa pagtatapos ng show, mami-miss sigurado ni Raikko ang mga fansa na nagpapakuha sa kanya ng pictures kapag nagma-malling sila ng parents niya.

Hopefully, sa mga susunod na mga teleserye ng DreamScape Entertainment (aside from Ikaw Lamang nina Kim Chiu at Coco Martin na magsisimula na sa March 10); tuloy pa rin ang advocacy nila na maitawid sa manonood ang mga positive values na gusto nilang maiparating sa mga manonood (lalo na ang mga bata) kahit ang main objective ng pagpo-produce nila ay for business purposes, may pitik at kahit konting aral pa rin sa televiewers.

 

AKALA KO marriage made in heaven ang kina Jackie at Beaver. Ang engrandeng kasalan ilang taon na ang nakararaan, na pinag-usapan ng rich and famous ng bansa at worldwide.

Anak ba naman ng dating Presidente Joseph Estrada at dating Senadora Loi Ejercito na ang lalaking napangasawa ay mula sa angkan ng mga Lopez (Beaver is son of Manolo Lopez brother of Eugenio Lopez Jr. na nagmamay-ari ng pinakamalaking TV network sa bansa (o baka sa buong Southeast Asia pa nga).

Pero last weekend sa isang tsikahan over chocolate fondue sa BGC with some non-showbiz friends na may connect sa “alta” (gay lingo for high society) napag-usapan ang mga hiwalayan.

Mula nang ikasal, tahimik naman ang mundo nina Jackie  at Beaver, the fact na palagi naman at always on the side lang ang only daughter ni dating President Erap. Naging visible lang siya sa publiko during the campaign of her dad sa City of Manila as Mayor. Aside the kampanya season, tahimik ang mundo ni Jackie at ng mister niya.

From the tsikahan, lumabas ang name ng mag-asawa na diumano’y hiwalay na. Hindi detalyado ang dahilan kung dahil ba may third party sa pagsasama nila na nauwi sa matinding awayan na ngayon, sa circle ng mga alta, pabulong ay pinag-uusapan ang hiwalayan. Mula sa kampo ng mag-asawa, walang komento na naririnig mula sa dalawa at kahit sa mga malalapit nilang kapamilya.

Sayang naman. Mukhang happily married naman ang dalawa dahil ni minsan wala kaming narinig o nabasa man lang na problema sa pagsasama ng dalawa kung hindi pa kami nakipagtsika-tsika habang kumakain ng fruits dipped in chocolate na nagkataon, naroroon ang isang kaibigan ng kaibigan namin na client diumano ng mag-asawa pagdating sa jewelries.

Sa hiwalayan ng kahit  sino mang mag-asawa, palaging talo ang mga anak sa bandang huli (na hindi ko rin alam kung ilan ang anak nina Jackie at Beaver). Huwag naman sana. Sayang ang marriage made in heaven na nasimulan nila.

Pero karugtong ng kuwento nina Jackie at Beaver, may malapit din sa pamilya Estrada ang napapabalitang hiwalay na rin at pang good at positive imaging na lang ang mga photo-op ng mag-asawa sa media. Ang tsismis sa pangalawang kuwento ng hiwalayan, heto’t may third party involved sa napapabalitang split-up nila.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Raikko Mateo, isasalang sa ibang shows

Leave a Reply

Your email address will not be published.