Raffy Tulfo @ 51!

MASAYANG IPINAGDIWANG NI Shooting Range Raffy Tulfo ang kanyang ika-51 kaarawan kasama ang buong pamilya at mga kaibigan. Ginanap ang nasabing selebrasyon sa Garden Ballroom ng EDSA Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City noong Sabado ng gabi, Marso 11.

Dumagsa ang mga bisitang kaibigan ni Boss RT mula sa mundo ng entertainment, business at politics. Kabilang sa mga nagsidalo sina Sen. Bong Revilla, Jr., Sen. Allan Peter Cayetano, Col. Ariel Querubin,

Gen. Danny Lim, Gen. Rosales, TV5 CEO Atty. Rey Espinosa, Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian,

Marikina Mayor Del De Guzman, Phillip Salvador, at marami pang iba. Naroon din siyempre ang

Pinoy Parazzi sa pangunguna ng publisher at president na si Dr. Raimund C. Agapito.

Nagbigay naman ng special numbers para sa celebrator na si Boss RT ang mga celebrities na sina Rufa Mae Quinto, Gwen Zamora, Solenn Heussaff, Saicy Aguila, Willing Willie Girls sa pangunguna ni Aprilyn

‘Congrats’ Gustilo, EB Babes at iba pa.

Siyempre pa, hindi mawawala ang pamilya ni Boss Raffy sa nasabing okasyon. Naroon ang kanyang mag-iina  – ang maybahay na si Jocelyn, at mga anak na sina Maricel at Ralph Wendel – at ang Tulfo brothers na sina Mon at Ben. Sa iyo Boss Raffy… happy, happy birthday!

Ni Dani Flores

Photos by Mark Atienza

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.