Rafael Roselle already moved on after break-up with Malaya

NAHULI NAMIN SI Rafael Rosell na very sweet na yakap-yakap ang isang girl sa backstage ng SMX ng Mall of Asia pagkatapos ng joint fashion shows doon ng Kashieca, Bench at Human. As usual, isa si Raf sa mga modelong rumampa roon ng underwear.

Inusisa namin si Raf tungkol sa bago niyang girlfriend. Hindi pa raw niya talaga GF, pero he must admit that he has been going out with this girl, who’s also a model pala. Hindi na lang sinabi ni Raf ang identity ng girl dahil hindi naman nito gustong nae-expose siyang masyado sa showbiz.

Inamin ni Raf na noong namomroblema siya sa dati niyang GF na si Malaya Lewandowski, ang babaeng ito raw ang naging shoulder to cry on niya, at nagbibigay talaga ng panahon para mairaos niya ang problema. Hanggang sa ma-develop na lang sila. Since 2005 pa pala, magkaibigan na sila ng babae.
Well, maging masaya na lang siguro tayo kay Raf dahil hindi biro ang pag-i-split nila ni Malaya. Matagal din naman silang nagkarelasyon, at ang masaklap, agad nalaman ni Raf na magpapakasal na sa iba ang dating GF.

Sinundan pa ito ng pagka-carnap sa sasakyan ni Raf na naging sanhi pa ng pagkakabaril sa isang tambay na tumulong lang pigilan ang mga salarin sa pagtangay sa kotse. Nangyari ito noong nasa New York si Raf at nagsu-shoot ng In My Life, kasama sina Vilma Santos, John Lloyd Cruz, Luis Manzano, at iba pa, kaya wala raw talaga siyang nagawa, at hinintay na lang ang araw na makabalik siya sa Pilipinas pagkatapos ng commitment na ‘yun sa Star Cinema.

MASKI SI JOLINA Magdangal, natatawa sa sarili sa pagbibigay ng press ng big deal sa finally ay pagpayag niya to do kissing scenes, and even bed scenes, with Marvin Agustin, sa ilang nakatutuwang eksena ng Adik sa ‘Yo.

“Ano ba? Thirty years old na ako?” Natatawang sabi pa ni Jolens, sa ginanap na press launch ng bagong teleserye ng GMA7, sa Oasis, Aurora Boulevard, Q.C. kahit nagsusungit na ang panahon.

Patuloy ni Jolens, “Wala namang problema sa ganyang mga eksena, at bagay na talaga sa edad ko. Wala nga lang talagang pagkakataon. Nang kausapin ako ni Direk Joel Lamangan para riyan, wala silang narinig na reklamo sa akin. Kasi, alam ko namang gagawing maganda at matino ang eksena. We have a very good and responsible director, and let’s face it, ang kaeksena ko naman ay hindi na halos iba sa akin.”

Nakatutuwang pagmasdan sina Jolens at Marvs sa mga sandaling walang kung anumang tensiyon sa kanila, hindi katulad noon. Sabi nga ni Jolens, sa paghihiwalay nila ni Bebong Muñoz, hindi naman daw talaga nagpaparamdam si Marvs sa kanya.

Come to think of it, pareho silang single sa ngayon. Pero, sabi nga ni Marvin, “Naku, manhid lang ‘yang si Jolens!”

Tinatawanan na lang ni Jolens ang pagiging makulit ni Marvin.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

One thought on “Rafael Roselle already moved on after break-up with Malaya

Leave a Reply

Your email address will not be published.