Rafael Rosell, walang kalalagyan sa Siyete!

BIG DEAL ba ang paglipat ng aktor na si Rafael Rosell from Kapamilya Network to Kapuso Network?

Is he a big star para i super-drumbeat?

I don’t think so. He is just one of the fillers para maging tagasuporta nina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez and Dennis Trillo.

Nagtataka naman kami kung bakit nag-lipat bakod ang aktor gayong mukhang okey naman ang career niya sa ABS-CBN.

Habang aktibo ang careers ng mga nabanggit na mga male stars sa kuwadra ng GMA-7, Rafael will always be the second lead. Bet?

 

MUKHANG MALALIM ang tampo ni Mamu Andrew (de Real) sa kaibigan na si Allan K.

Nang gamitin ng komedyante ang script at idea ni Mamu, ang longest running gag & skit na Nura at Velma sa anniversary presentation ng Eat Bulaga the other Saturday; doon nagsimula ang gap ng dalawang magkaibigan.

Simple lang ang isyu, hindi man lang nagpaalam si AK kay Andrew para hiramin nito ang ideya.

I still remember na isa kami sa mga small time producers noon ng Nura at Velma ni AK at Leonard Obal noong early years ng The Library.

I still remember noon, nag-uumpisa pa lang si Allan noon at ang The Library na pag-aari ni Mamu ay maliit lang noon at wala pa 20-25 ang seating capacity.

Kapag SRO ang mga locally-produced, written at dinidirek ni Mamu na mga shows nu’n sa The Library, asahan mo na umaapaw ang mga tao sa labas na gustong mapanood.

Dahil sa napabalitang gap nilang magkaibigan, kinumusta namin kay Mamu si AK at kung nagkausap na ba sila.

Say ni Andrew: “Hindi naman makikipag-usap ‘yun. He will never admit his mistake. Ang sa akin lang naman, p’wede namang magpaalam nang maayos. Dami ko nang pinalampas, pero iba na ‘to. Sa mga interview, sasabihin niya, siya nagpauso ng primetime shows. Eh, idea ko ‘yun para maiba siya sa Punchline. Hayyyss. ‘Yun ‘yung time na ‘di niya alam kung pa’no magbubukas ng Klownz (along Quezon Ave. infront of Delta Theater – now TV5 Studio).”

Para kay Andrew, respeto lang. ‘Yun lang ang hinihingi niya at i-acknowledge na ang gags at stand-up sketches ni Allan K ay mula sa idea niya.

Sa pamamagitan ng isa ring komedyante na current researcher at crowd director ng Eat Bulaga na si Philip Lazaro, ito ang humingi ng dipensa sa nangyari.

Not even EB asked Andrew or nagpaalam na ang Nura at Velma niya ay gagamitin sa palabas.

Kung saan hahantog ang gap ng dalawa, malalaman na lang natin sa nalalapit na panahon ay ‘yun kung si AK ay hihingi ng personal apology kay Andrew at mag-public acknowledgement na mula sa kanya ang mga ideya.

May binitawang paalala si Mamu Andrew for Allan K: “Someday, he would realize na kung anumang dinaanan niya pataas, ‘yun din ang dadaanan niya pababa. Friends are more important than fame.” ‘Yun na!
Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

9 thoughts on “Rafael Rosell, walang kalalagyan sa Siyete!

  1. so what can you say about this Ma’am.. have you seen the remake of Temptation of Wife? he ended up with Marian.. and now, I think he is well loved by the public… :) 

  2. Tama sinulat ni RK. Saan pupulutin si Rafael sa Channel 7? Sa Kapamil;ya binigyan na nga siya ng break, hindi na nakuntento. Never siya magigign star sa Kapuso hanggang andyan sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo at Richard Gutierrez.
    Bakit si Richard hindi pa rin marunong umarte? Ganun ba siya tulad ng ate Ruffa niya?
    Nagtatanong lang po

    • oo nga bkt until now ay dp rin mrunong umarte c richard?naunahan p ciang mgka award nila rocco nacino at paulo avelino n pawang gling sa strstruck..mgaling nmn umarte c eddie gutierrez n father nya ahhh.preho cl ng ate ruffa nya,wlng binatbat sa pg arte.

  3. super agree ako sa writer na toh regarding kay rafael rosell. sina richard at dingdong (exclude denis,please!) ang mga hari sa kapuso. hindi magiging ka-level ni rafael sina richard at dingdong dahil simula’t sapul pa lang ng karera nya sa telebisyon, sya ay pumapangalawa lamang sa mga totoong leading men. ang dami daming ang nagpumilit pumatay kina dingdong at richard (hello mikael daez,luis alandy etc.) pero di pa rin nila mapantayan kaya i doubt kung mapapantayan ni rafael sina dingdong at richard, papayag ba naman sina annabelle at popoy na mga managers ng dalawang aktor na banong umarte sa isang rafael rosell na kalevel nila na banong umarte din. isa pa, okay na nga sa dos yung leading man kuno status ni rafael pero nangangarap pang umangat ang pabooking na aktor na toh! goodluck na lang sayo rafael, hindi ikaw ang makapagaangat ng estado ng kapuso sa ratings. ikaw pa rin ay may status bilang one of those leading men. lalo pa atang malulugmok ang karera dahil si marianita ang una mong makakapareha sa isa na namang remake ng kapuso. goodluck!

    • bitter na bitter ka kay Rafael Rosell? nakalimutan mo yata na si Rafael Rosell ay isang Urian awardee for acting? at anong pa-booking sinasabi mo? kung gugustuhin ni Rafael pwede naman siyang di mag-artista galing siya sa isang disente at educadong pamilya ang magulang niya pareho me work ang father niya ay isang geologist at ang nanay ay isang nurse, tatlo lang silang magkakapatid dalawa sila tapos ng course at me work. ang bunso ay nag-aaral pa sa Norway , si Rafael ay ipinanganak sa Norway ang ikalawang pinakamayamang bansa sa buong mundo kung saan ang citizens ay pensioners habang wala pang job, at siya ay isang college graduate B.S. Mathematics major sa University of Trondheim sa Norway , do your research ok wag ka maninirang puri….wala ka alam kay Rafael wala siyang halos free time kung meron man eto ay nilalaan niya sa environmental concerns at sports lalo na ang surfing.

Leave a Reply

Your email address will not be published.