Rafael Rosell, mahilig magpakita ng puwit!

MAY BUTT EXPOSURE na naman pala si Rafael Rosell sa indie film niyang malapit nang ipalabas.

Hindi nagdalawang-isip si Rafael na muling magpakita ng kanyang puwet sa Fling. Close-up ang kuha ng butt ni Rafael as in hagod ito mula paa hanggang puwet pero pumayag ang aktor in the name of professionalism.

Magaling na aktor si Rafael at napatunayan na niya ito nang magwagi siya ng Gawad URIAN best supporting actor trophy for Rome & Juliet.

Interestingly, pareho ang role na kanyang ginampanan sa Fling at sa Rome & Juliet – iniwan siya ng kanyang mapapangasawa sa araw ng kanyang kasal. Sa Fling ay si Lara Morena ang nang-iwan sa kanya habang sa Rome & Juliet ay si Andrea del Rosario naman ang nang-indiyan sa kanya.

Unang nagpakita ng kanyang butt si Rafael sa Rome & Juliet.

NAKAKALOKA NAMAN ANG isang hunk actor na ito.

Pinagtitinginan kasi ang aktor ng mga kumakain sa isang restraurant sa Quezon City. Regular customer doon ang aktor pero kapag feel niyang lumafang doon para tikman ang isang uri ng luto ng chicken, parang ayaw niyang magpahalatang artista siya. Palagi siyang nakasumbrero para hindi siya gaanong mapansin ng mga customers. Siguro, he wants privacy while he’s eating.

Baka ang feeling niya ay pagkakaguluhan siya at may mga magpapapirma sa kanya ng autograph. Sadly, walang ganoong senaryo every time he eats in the said restaurant.

Pero hindi ito ang nakakaloka. Ang higit na ikinabaliw ng mga customer ay ang bisyo ng aktor na mag-smoke matapos siyang kumain.

Hindi naman air-conditioned ang lugar at wala namang door talaga, dahil open space ang resto. Kaya lang, hindi rin naman puwede roon ang manigarilyo sa loob ng resto. Ni wala nga raw ash tray kaya paano raw masasabing may smoking area roon?

Sadya lang daw malakas sa management ang aktor dahil kilala siya, dahil celebrity siya.

Sino ang aktor? Well, minsan na siyang lumabas na super hero kahit na medyo bulol siya sa pananagalog.

BUMAWI ITONG SI Christopher Roxas sa pagtataray niya sa kanyang dyowang si Gladys Reyes sa Showtime last week.

Naimbiyerna kasi si Christopher nang kulit-kulitin siya ni Gladys kung bakit hindi siya nakipag-showdown kay Wowie de Guzman nang magkaroon sila ng pagkakataon sa Showtime.

Ayun, medyo nainsulto ang aktor sa ginawang pangungulit sa kanya ng kanyang dyowa kaya naman hindi na niya nakaya ang kanyang sarili at nagsalita siya sa show na nabubuwisit siya kay Gladys.

Siyempre, na-shock ang Showtime audience sa inasal ni Christopher. The next day, nag-sorry naman ang aktor publicly sa kanyang inasal.

At para marahil mawala na nang tuluyan ang galit ng primera contravida niyang dyowa ay may peace offering si Christopher kay Gladys – isang pares ng white gold earrings.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

7 thoughts on “Rafael Rosell, mahilig magpakita ng puwit!

  1. Basta huwag lang niyang bugbugin si Gladys, OK lang. Si Ruffa naman, tanggap na ang pambubugbog ni Yilmaz. Ganyan ang nangyayari pag ang ina, ibinubugaw ang anak.

    • INGGIT KA?? MAGPAKITA KA RIN NG PWET!! KUNG MERON KA?? EH BAKA NI MUKHA WALA KANG MAPAKITA EH?!?! NAKAKAAWA KA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.