Rafael Rosell and Kris Bernal: Afternoon Prime’s Hottest Couple!

Rafael Rosell and Kris Bernal

RAFAEL ROSELL

Real Name: Rafael Rosell IV
Birthdate: November 10, 1982
Zodiac Sign: Scorpio

KRIS BERNAL

Real Name: Kristine Ann Tan Bernal
Birthdate: May 17, 1989
Zodiac Sign: Taurus

UMAARIBA ang ratings ng newest version ng Impostora with Kris Bernal playing the dual roles of Nimfa and Rosette. Napakahusay naman talaga ng Starstruck pa-tweetums star turned serious versatile actress. Buti na lang at ito ang project na iginawad sa kanya ng Siyete with matching two leading men na talagang kayang makipagsabayan sa pag-arte.

Every afternoon ay trending ang kilig moments nina Nimfa at Homer, na ginagampanan naman ni Papa Rafael Rosell. Marami ang nakakapansin na umaapaw ang chemistry ng dalawa lalo na sa mga love scenes nila.

Dahil wala naman daw boyfriend ngayon si Kris, naisipan namin na ipagpares ang dalawa. What if? Hmm….

Malakas ang attraction sa pagitan ng Scorpio at Taurus. Medyo challenge lang para sa dalawa in terms of intellectual level dahil magkaiba sila ng istilo sa pakikipag-usap. Kung malagpasan nila ito, masasabi na ang love match nila ang isa sa pinakamagandang tambalan sa zodiac in terms of compatibility. Pareho silang may pagka-possessive, pero mas seloso ang Scorpio. Magde-demand ito ng bonggang emotional attachment sa Taurus, na maaaring pagsimulan ng ‘di pagkakaintindihan.

Sa totoo lang, parehong matigas ang ulo ng dalawa, huh! Trip nila na sila palagi ang nasusunod. Dahil dito, kailangan nilang matutong mag-compromise sa isa’t isa. Kung minsan ay hirap nilang i-express ang kanilang nararamdaman kaya napu-frustrate sila. Kahit natural sa magdyowa na minsa’y may duda sa ka-partner, wala naman talagang totoong isyu na dapat pag-awayan (unless gusto lang nilang magpapansin!). Pareho silang loyal at basta magkaroon sila ng personal space from time to time, ang relasyong ito ay maghi-hit ng jackpot! Wow!

Kung ang babaeng Taurus ay nag-iisip na makipag-relasyon sa isang Scorpio, kailangan nitong maghanda. Tulad ng nabanggit ko kanina, may pagka-stubborn ang dalawang ito kaya kailangan nilang magbigay ng espasyo at lawakan ang pang-uunawa. Kung matutunan nilang respetuhin ang kanilang differences at suportahan ang kani-kanilang passion, bonggang romance ang ending nito!

Uyyyy…. May tsansa naman pala talaga ang RafaKris! Push na lang natin ito para Happy Lang! Huwag nang magkunwari!

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.