Rafael Rosell, ‘di ipagpapalit ang utang na loob sa Dos!

MASAYA SI RUFFA Gutierrez sa paglipat niya sa TV5. Wala talagang katotohanang she left ABS-CBN with a heavy heart. Nang pagdesisyunan niyang iwan na ang Kapamilya network for a much greener pasture, buo ang kanyang loob. Despite all the negative things na nasabi na at nangyari, masaya ang aktres dahil parang hindi na iba sa kanya ang ipinalit sa kanya, si KC Concepcion.

Kung may mga intriga man daw, hindi kailangang madamay si KC roon. Gusto ni Ruffa na mag-grow rin ito as a TV host sa hinaharap, at iba rin daw kasi ang trabahong naka-assign dito sa The Buzz. Sa Paparazzi ng TV5, magiging more independent si Ruffa as a TV host na tipong hard-hitting din ang dating, but she wants to make sure na fair reporting pa rin at opinyon ang ibibigay niya.

“Hindi ko naman tinanggap ang ganitong klaseng trabaho sa paraang makasisira ako ng pagkatao ng kapwa ko artista,” paliwanag ni Ruffa. “Nariyan si Tita Cristy Fermin na makapagbibigay ng mas matitinding opinyon.

Puwede akong maging pambalanse sa kanila ni Dolly Ann (Carvajal).”

Nakatutok si Ruffa sa immediate feedback ng mga manonood sa kanya. Ang technical glitches ay hindi maiiwasan dahil live ang show, pero ang pinaka-impressive sa show despite these shortcomings, may laman ito.

Lalaban ito ng pukpukan sa tindi ng mga kontrobersiyang tinatalakay, na obviously, hindi basta magagawa ng mga kalabang istasyon dahil sa kanya-kanyang interests.

NASABI SA AMIN ni Rafael Rosell na may pagpaparamdam na ginawa ang ilang taga-GMA-7 para siya’y lumipat na sa Kapuso network. Bakit hindi ito ginawa ni Raf samantalang hindi rin kalakihan ang breaks na ipinagkakaloob sa kanya ng Kapamilya network?

“I’m not really in for popularity,” sabi ni Raf. “Gusto kong tumagal sa industriyang ito na tumatanaw ng utang na loob at hindi nakakalimutan na may mga nagagawa pa rin ang ABS-CBN para sa akin. Pupuwedeng sabihing hindi sila malalaking breaks, pero hindi naman nila ako pinababayaan.”

Kaya walang dahilan para basta iwan na lang ni Raf ang ABS-CBN. May mga nagsasabing may mga gusto raw kasing gawin siyang ganap na leading man sa GMA-7, lalo pa’t lumipat na sa kuwadra nila si Claudine Barretto. Naging maganda ang working relationship nina Claudine at Raf noong nagkakasama pa sila sa ilang teleserye, pero hindi nga basta nagawa ni Raf na sumunod kay Claudine sa GMA-7.

Sa ngayon, may freedom si Raf to make the most out of good roles in indie films, gaya sa Fling katambal ang baguhang si Jacq Yu.

Pinoprodyus ito ni Lara Morena na nahalata ng marami sa press na mukhang smitten over Raf’s charms. Kasama si Lara sa pelikula at very open ito sa panghihinayang na wala man lang silang love scenes ni Raf sa nabanggit na pelikula.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

8 thoughts on “Rafael Rosell, ‘di ipagpapalit ang utang na loob sa Dos!

  1. WEH?? DAMING NYONG ECHOZ PARANG HINDI LUMIPAT AT SUMIKAT SI JAKE CUENCA SA GINAWA NYANG PAGLIPAT SA DOS?? SAN BA CYA GALING?? SA GMA D BA?? WAG NA I-DENY KANYA KANYANG CAREER PATH LANG YAN MGA PAKIALAMERA!!

  2. mabuti pa si rafhael marunong tumanaw ng utang na loob. si claudine ay nakarma kaya hindi nag-click ang kanyang bagong show. siguro wala naring kinang ang
    kanyang career kaya malas lang ng gma7. na-turn off ang mga tao sa paglipat niya. at saka tanggapin natin
    na maganda ang story sa MMK kaya natalbugan ang show
    ni claudine.nagkamali ng career move.

  3. TAMA KA! SA SYET-E, BUKOD SA SILA SILA DIN ANG ARTISTA, YUN AT YUN DIN ANG ISTORYA NILA! DARNA, CAPTAIN BARBEL (NA GINAYA LANG NAMAN SA SMALLVILLE!) ANUBAYAN! MAG ISIP NAMAN KAYO! SA DOS BUKOD SA IBAT IBA ANG ISTORYA, IBAT IBA DIN ANG MGA ARTISTA!

  4. SINABI MO PA! KASI LAHAT NG TALENT NG DOS MAGAGALING NA MAY MGA HITSURA PA! KAYA BAKIT NGA NAMAN MAGDIDISKUBRE PA NG TALENT ANG GNA 7 KUNG NAKAKAPIRATA NAMAN SILA SA DOS! AT SAKA BAGO SUMALANG SA SYET-E, MAHUHUSAY NA ANG MGA TAGA DOS KASI MATIINDI ANG MGA WORSHOP NILA DUN! HA HA HA!!!

  5. kasi yun din yun ang nakikta mo sa teleserye nila nakakasawa na,parang nagpapalit lang sila ng title ng progma.wala na ba silang ibang artist ?

Leave a Reply

Your email address will not be published.