Rafael Rosell & Bianca King:
I’ve Been Waiting For You!

RAFAEL ROSELL

Real Name: Rafael Quimpo Rosell IV

Birth Date: November 10, 1982

Zodiac Sign: Scorpio

Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Quality: Fixed

Element: Water

Basic Trait: I Desire

 

BIANCA KING

Real Name: Bianca Charlotte King

Birthdate: March 18, 1985

Zodiac Sign: Pisces

Symbol: The Fish

Ruling Planet: Neptune

Quality: Mutable

Element: Water

Basic Trait: I Believe

 

MISS N’YO na bang mapanood sa DramaRama sa Hapon ng GMA ang isa sa drama princesses nito na si Bianca King? No need to fret dahil muling nagbabalik ang pretty mestiza via Maghihintay Pa Rin. Ito bale ang programang papalit sa timeslot na lilisanin ng Bukod Kang Pinagpala. Mukhang todo iyakan na naman ito, huh!

Hulaan n’yo kung sino ang ka-loveteam ni Ateh Biankz ditey. Walang iba kundi ang hunk papa na si Rafael Rosell! May dahilan na para magbunyi ang mga gurlaloo at mga beki!

May pagka-elitista ang arrive nina Rafael at Bianca, pero mukhang mega fight for love ang peg nila rito sa kanilang first TV project. Since single sila pareho, may pag-asa kaya na ang isa’t isa na pala ang kanilang hinihintay?

Ang Scorpio at Pisces ay parehong sensitibo lalo na sa aspetong emosyonal. Ang pagkakaiba lang ay madali itong i-express ng Pisces, samantalang hirap ang Scorpio. Mahilig ang Scorpio na magpakita ng outer look na matapang ito kahit na deep inside ay gusto na nitong sumigaw at umiyak. Dahil sa kanilang similarities, madali nilang naiintindihan ang isa’t isa. Pareho rin silang intimate at maipapakita nila ito sa paraang alam nila.

Very opinionated ang Scorpio, habang halos walang pakialam naman sa mga negatibong bagay ang Pisces. Pero pagdating sa pag-ibig, ang pagkakaiba nila sa aspetong ito ay nagko-complement. Imbes na magkasiraan, ginagabayan nila ang isa’t isa. Dito gumagana ang kasabihang ‘opposites attract’.

Instant ang attraction sa pagitan ng Scorpio at Pisces. May chemistry na nga, with understanding pa! Ang kanilang relasyon ay natural na hindi na nila kailangan pang magsalita para makuha ang gustong iparating ng puso. Halos lahat ng sangkap sa ideal relationship ay present na rito. Ang kailangan lang nilang ayusin ay ang paminsan-minsan na possessiveness…  Aruuyyyy!

In fairness naman, ha? Pasadong-pasado sa ‘Wait for the Right Love’ ang peg nina Rafael at Bianca! Huwag na tayong ma-shock kung after ng programang ito ay magka-debelopan sila. Nag-fail man si Ateh Biankz kay Kuya Dencio before, this match looks more promising! Dizizziit!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.