Radio Station, Pinagtangkaang Sunugin

MUNTIK NANG masunog ang himpilan ng DXVL Radyo ng Bayan na pinatatakbo ng University of Southern Mindanao (USM) sa bayan ng Kabayan, lalawigan ng Cotabato.

Base sa report, sinunog umano ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang tarpaulin na nakakabit sa likurang bahagi ng istasyon dakong alas-4:30 kahapon ng madaling-araw.

Napansin umano ng guwardiya ang pagpasok ng usok sa loob ng kanilang transmitter at agad na nakatawag ng bombero na siyang umapula ng apoy.

Sinasabing bago pa man ang tangkang pagsunog sa istasyon ay may narinig na umanong putok ng baril ang isa sa mga guwardiya ng USM Hospital dakong ala-1:40 kahapon ng madaling-araw.

Sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, narekober sa loob ng live studio room ang bala na tumagos sa pader at tumama sa pintuan.

Hindi pa matukoy kung anong klase ng baril ang ginamit sa nasabing insidente. Dahil sa pangyayari, pansamantalang nag-off air ang naturang himpilan.

Ayon kay Rhoderick Beñez, ang news and information assistant, dakong alas-7:55 na ng umaga kahapon ay saka bumalik ang operasyon ng radyo.

Sa ngayon, patuloy pa ring inaalam ng pulisya kung ano ang motibo sa nasabing panununog at pamamaril at kung sino ang nasa likod nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.