Radio Station, Nasunog; Mag-inang Intsik, Nailigtas

 

NAGLIYAB ANG ika-apat na palapag ng isang gusali pasado alas-10 kagabi, sa Tomas Claudio Street sa Zamboanga City.

Isang mag-inang Chinese ang na-trap sa loob ng Jose Go Huilo Building, ngunit agad na na-rescue sa tulong ng mga bumbero, ayon kay SF04 Noly Manuel, station commander ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Higit isang oras din ang itinagal ng sunog bago ito naapula. Wala namang nabalitang nasaktan sa sunog.

Base naman kay Zone 3 Barangay Chairman Tito Espiritusanto, sa radio station ng Hot FM nagsimula ang apoy na nasa ika-apat na palapag ng gusali. Nagkaroon umano ng mahinang pagsabog sa radio station at makalipas ang ilang minuto, namataan ang makapal na usok na kumalat pa sa ibang mga kuwarto.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa pinagmulan ng apoy.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.