Radio program coordinator, patay sa amok

PATAY ANG ISANG radio program coordinator matapos saksakin ng lalaking nag-amok sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa tiyan si Edwin Ramos, 47 coordinator ng DZBB at residente ng M. H. Del Pilar St., Tugatog ng lungsod.

Ginagamot naman sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Marvin Sauza, 37 habang nasa ligtas namang kalagayan ang may sugat sa likod si Emelita Rios, 54, kapwa ng Phase 3, Dagat-dagatan ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Cezar Baguio, alyas Bebe, nasa hustong gulang ng Phase 3, Dagat-dagatan ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-8 ng gabi, nagwawala sa pasilyo ng Kapak Sabalo, Phase 3, Dagat-dagatan ng lungsod ang suspek at sinalakay ng saksak si Rios.

Tinangkang umawat ni Ramos subalit sinaksak din ito sa tiyan at nang si Sauza na ang umawat ay pinagsasaksak naman ito ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang mga biktima sa TMC kung saan inilipat sa JRMMC si Ramos.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan nang pagwawala ng suspek na pinaghahanap na.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.