RADIO JOCK AT AKTRES, HINDI RAW MAGSYOTA PERO MAGKATABING NATULOG?!

BLIND ITEM: KUWENTO ito ng isang caretaker who tends the house of a popular showbiz doctor in a European country.

Condo unit ang binabantayan nito situated in the heart of the world-famous capital in Europe, home to her employer’s showbiz friends who take a break off their commitments. Isa rito ang rumoured showbiz pair: the girl is a homegrown artist of a TV network while her boyfriend (pero hindi nila inaamin ang kanilang relasyon), a TV host-radio jock, works for a rival station.

Curious na nagtanong ang caretaker sa recent guests ng kanyang amo, totoo nga bang magnobyo ang dalawa? Ang nakuha nitong sagot: Wala naman silang pag-amin (or denial), kaya nananatiling unconfirmed ang balita.

Hirit uli ng tagabantay: “E, kung wala silang relasyon, bakit diyan sa iisang kuwarto sila natulog nu’ng minsang magpunta sila rito?”

Bakit, puwede namang sa sahig natulog ang lalaki, ‘di ba? Mga malisyosa!

VIA PHONE PATCH interview on Tweetbiz nitong Lunes, pinabulaanan ni Leo Dominguez na depression ang dahilan ng pagkakaospital ng kanyang alagang si Lovi Poe sa St. Luke’s Medical Center sa Global City.

Depression ang theory dahil sunud-sunod nga naman ang mga balita tungkol sa nobyo ni Lovi na si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, but Leo explained otherwise.

Apat na araw kasing walang tulog ang aktres, matamlay pa raw ito nu’ng sumipot sa recent presscon, naghalu-halo na raw ang ubo at lagnat, hence Lovi’s confinement. Bale Sabado ‘yon when an adprom staff made a last-minute advice to Startalk TX that Lovi could not come.

For the sake of argument, bibilhin namin ang eklay ni Leo, but he cannot discount the fact na may kaugnayan din ang sobrang pag-aalala ni Lovi sa boyfriend, resulting in her fever o kung anuman ang tawag du’n.

Lovi’s no-show on Startalk TX could also be attributed to the adprom’s last-minute decision na huwag nang isalang ang aktres sa promo rounds nito lest mas “mapo-promote” pa ang kaso ni Ronald kesa sa pelikulang kasama siya.

Imagine, isa lang si Lovi sa apat na leading ladies sa movie, pero lumalabas na siya ang bida? Well, that’s scene stealing in a way, hindi nga lang deliberate.

BUKAS NG GABI ang ikalawang installment ng month-long Valentine offering ng Untold Stories ng TV5. Chronicled and documented on Face To Face, iba’t ibang mukha ng pag-ibig ang hatid ng mga kuwentog tulad ng ‘Isang Bahay, Dalawang Maybahay’ (February 10). Tampok dito sina Cherie Gil at Princess Punzalan na nag-aagawan sa pag-ibig ng babaerong si Ricky Davao.

Bernard Palanca, Carlene Aguilar, Sharmaine Suarez and Sheryl Cruz topbill ‘Sa Piling ng Kaaway’ (February 17). Magtatapos naman ang isang buwang Valentine treat na ito sa February 24 via ‘Inagaw Mo ang Ligaya Ko’, starring Gloria Diaz and Jean Saburit na parehong maiinlab kay Christian Vasquez.

Kung mediator ang drama ni Amy Perez sa talakseryeng Face To Face, narrator naman siya sa Untold Stories na mapapanood tuwing Huwebes pagkatapos ng Willing-Willie.


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

8 thoughts on “RADIO JOCK AT AKTRES, HINDI RAW MAGSYOTA PERO MAGKATABING NATULOG?!

  1. yan ang napala ni dj mo mdaldal kc masyado….dapat sinuotan nya ng helmet c rhian nauntog tuloy at nagising sa katotohanan…..

  2. Pingback: Lastest Hindi Movie News | Spinner News

    • Si DJ Mo ang Radio Jack at si Rhian Ramos naman ang homegrown actres na BI ito at ang owner naman ng bahay sa Europe na showbiz Doctor ay si Dr. Vicki Belo kasi si Mo best friend nina Vicki at Hayden and one time he went with them sa Europe to document their trip over there.

  3. sayang at kawawa itong si lovie,,,kapag di nya inayos ang pagpili ng bf o kaya di sya mag focus sa work at pag iipon nya,,bata pa,,21 palang kung sino sino na ,,kala mo naman maipagmamalaki nya ang nagiging bf nya,,di malayo next bf ni lovie si willie,,wahahahah…mahilig sya sa mga guys na may pera lang,,pero nega o sira ang pagkatao,,o family,,,

    payo ko,,maganda at magaling sya,,sana wag nyang sayangin sarili at life nya,,,wala ba syang nanay,,,??bakit gaun,,nasisira tuloy sya sa tao,,,they call her,,pokpok,adik dibn,,mukhang pera,,ano bayan,,,21,,pamng sya,,kase ,,,di nya kinikilala ang mga guys,,,gingamit lang sya,,,dapat maging wise ka girl,,if so,,mabubuntis kang dalagang ina,,yun na,,better kilalanin mo ang dyos,,,yun na,,

    • Ako rin nasayangan kay Lovi, ang ganda pa naman nya at sana huwag na lang sana syang makapag relasyon for now, tutok muna sa career. Anak pa naman sya ni Da King. I wonder kung anong mangyayari kung buhay pa ngayon si Da King?

  4. BI na showbiz doctor na may bahay sa Europe, parang si Dr. Vicki Belo kasi palagi syang pumunta sa Europe at ang natsismis na magkasintahan ay si Rhian Ramos at ang TV Host/DJ Jock si Mo Twister kasi Mo is a very close friend of Vicki and Hayden so parang may sense.

      • grabe naman yan kung totoo na sinisimulan na ni rhian ang magpakasira din dahil kay mo lang,,,ayyy,,,sad1love ko pa nama si rhian,kase bata pa,,at magaling naman umrte,,,sana nag iisip sya diba,,,tsk,,mo,deserved a matured at ka age na nyang babae,,naglalaro na lang ito na naman,,,gusto bang magamit lang ni rhian ???
        at masira ang kabataan o career nito,kala ko di nya sinagot si mo,,.??

        we love tv5,magaling sila sa casting,,,ganda,,iba iba ang stars ,,past at present satrs,,,yan ang gusto naminmix of past at present stars,,kakasawa na din mga present stars,.,thnx,,anjan na ulit si ALICE DIXSON,,sana maibalik din sina INA RAYMUNDO,PRISCILA ALMEDA,,,AJ ABAYARI,,ANGELA VELEZ,,.ONEMIGBONDOC,,etc,,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.