Radio blocktimer, patay sa riding-in-tandem

ISA NA NAMANG kagawad ng media ang panibagong biktima ng pamamaslang.

Si Niel Aranga Jimena, 42 anyos, radio blocktimer ay pinagbabaril ng riding in tandem sa bayan ng E.B. Magalona sa Negros Occidental, kamakalawa ng hapon.

Si Jimena na tubong-Lapaz, Iloilo ay blocktimer ng nagsarang DYRP-Iloilo at DYAG sa Cadiz City.

Ayon kay EB Magalona Police Officer-in-Charge, SPO4 Leonardo Cobing, patungo sana si Jimena sa Bacolod City lulan ng motorsiklo nito nang paulanan ng bala ng isa sa mga  salarin, dakong ala-5:30 ng hapon.

Hinabol pa aniya ng mga salarin ang biktima sa Hacienda San Jose sa Brgy. Damo at umabot sa Brgy. Tres Poblacion.

Limang tama ng bala sa likod ang tumapos sa buhay ng radio anchor na magpo-programa sana noong Lunes ng gabi sa Radio Min-danao Network o DYRI.

Palaisipan pa rin kung ano ang motibo at sino ang mga nasa likod ng pamamaslang sa broadcaster. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.