Radha, ‘di pala girlfriend ni Jomari Yllana

PULSE RATE: DAHIL dati na siyang nasa Sales at umikot din sa mga sinehan bago siya naging assistant hanggang sa maging full-pledged director, ang pulso niya raw sa mga manonood ang siya ring nagdidikta ngayon kay direk Tony Y. Reyes-kung paanong papatok sa takilya ang isang pelikula.

Kaya ang laki rin ng tiwala sa kanya una, ni Joey de Leon at ngayon naman eh, ni Vic Sotto sa pagdidirihe niya ng pelikula.

Sa LOL (Love OnLine) ng OctoArts Films, may mga kakaiba na namang sangkap na ipapamalas ang direktor na hindi nga raw naninigaw o umiinit ang ulo sa set.

“Dati kasi, nu’ng magkaroon ako ng artistang pasaway-at muntik ma-pack-up ang shoot namin, ginawan ko na lang ng paraan na patayin na lang siya sa eksena. Alam niyang buong araw kami magsu-shoot, gumawa ng ibang schedule at nagpapaalam. Para ‘di na ako mamrublema, ayun, pinatay ko na lang siya.”

Hindi na siya visible sa TV at pelikula. Ewan lang kung mahulaan n’yo ang initials niya na C.P.  No wonder!

EN GARDE: NASA Amerika ako nang may tumawag sa akin inviting me to attend the surprise birthday party para sa aktor na si Gardo Versoza na naglipat-bakod uli sa Katorse.

Ang nag-prepare daw ng nasabing surprise birthday para sa aktor eh, ang girlfriend nito.

May girlfriend na nga ba si Gardo?

Nang makatsika ko sa text ang actor, sinabi nitong hindi pa naman daw official ito kaya hindi pa rin niya masasabing committed na siya.

In fact, kung meron daw talagang kumikiliti ngayon sa isip ng aktor, walang iba ‘yun kundi si Krissa Mae.

Eh, bakit girlfriend ang pagpapakilala sa nagbigay ng surprise party niya?

“Nakita mo na siya. Kasama ko noon sa Gold Gym.”

At hindi naman nito ipinakilala sa akin na girlfriend niya pala ang kasama niya. Buong akala ko eh, P.A. niya.

Pero gaya ng sabi niya, hindi pa raw official girlfriend ito. So, ano ba ang official na girlfriend, Boss Alex?

JOM’S DIGS: NAGKAROON lang ng bagong kasa-kasama ang aktor na si Jomari Yllana (na bago niyang staff sa kanilang Fearless Productions), ang bilis nang kumalat ng espekulasyon na may relasyon na diumano sila ng dating miyembro ng Kulay, ang singer na si Radha.

Si Radha ang nag-aasikaso kasi ngayon sa nalalapit na proyekto ng Fearless sa Agosto 1 sa NBC Tent sa The Fort kung saan magkakaroon ng show ang YouTube Phenomenon na si Marie Digby.

Nang tanungin ko nga si Radha kung ano ang reaksiyon niya sa mga nag-aakala at tumatawag sa kanyang bagong girlfriend ni Jom, simple lang ang sagot nito.

“Inaalala ko na lang ang laging sinasabi ng lola ko. Iba na raw talaga ang showbiz ngayon kaya lalo ko lang dapat na tibayan ang dibdib ko, hindi gaya nu’ng panahon nila.”

Ang Lolang sinasabi niya eh, walang iba kundi ang nirerespetong isa ring Reyna ng Pinilakang Tabing-ang dakilang aktres na si Lolita Rodriguez.

Si Jom naman, tinatawanan na lang ang nasabing mga haka-haka.

May magseselos kaya kung sakali?

“Bakit?” Ask naman ng aktor.

The Pillar
by Pilar Mateo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.