Rachelle Ann Go, susundan ni Slater Young sa London

Rachelle-Ann-Go-Slater-YoungAMINADO SI Rachelle Ann Go, may hatid na kilig sa puso niya ang masigasig na panliligaw sa kanya ng dating PBB housemate na si Slater Young. Pero nilinaw nito na wala pa silang raelasyon.

“We’re dating!” aniya. “We’re going out. And masaya naman kaming dalawa. Sobra kaming nag-i-enjoy.”

Totoo nga bang balak sumunod nitong si Slater sa kanya sa London para mapanood siya sa Miss Saigon?

“I don’t know. Sabi niya. Tingnan natin. Kung talagang makapupunta.

“Uhm, well… kahit sino naman puwedeng pumunta doon, eh. ‘Di ba? Pero kung halimbawa nga, siya ang susunod doon… makikita mo ‘yong sincerity. ‘Di ba? Doon mati-test ‘yon… kung faithful ang isang tao.”

Galing sa mayamang pamilya si Slater. Maa-afford nito sakaling gustuhing manatili sa London nang matagal sa buong panahong naroon si Rachelle Ann.

“OA!” natawang reaksiyon ng singer-actress. “OA naman. Alam mo, mahirap namang… ‘di ba? Hangga’t hindi nangyayari, wala rin naman akong mairi-react. So, let’s see when I get there. Ayokong masyado siyang hina-hype at pinag-uusapan. Kasi… wala pa naman, ‘di  ba? At saka aalis ako, eh. Pagbalik ko siguro, baka… tingnan natin. Matagal-tagal din akong mawawala kasi fourteen months akong mag-i-stay sa London.”

Kailan na nga ba ang alis niya patungong London?

“Wala pa pong specific date. Pero feeling ko, mga last week of February or first week of March.”

Handang-handa na talaga siyang mag-portray bilang si Gigi sa broadway musical na Miss Saigon?

“Wala pong choice kundi maging ready, ‘di ba? Pero let’s see what will happen when I get there. ‘Yon na lang,” sabi ni pa ni Rachelle Ann.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Rachelle Ann Go, susundan ni Slater Young sa London

Leave a Reply

Your email address will not be published.