Rachelle Ann Go, sasamahan na si Mark Bautista sa Siyete?!

NAKAKALOKA NAMAN ANG isang aktres na ito. Kasi ba naman, nakipaghiwalay siya sa kanyang actor-boyfriend dahil sa isang tomboy.

Naaliw kami sa kuwento ng kanilang pag-iibigan lalo pa’t nalaman naming hindi ordinaryo ang kanilang love story.

Alam n’yo bang nagkapalagayan sila ng loob ng tomboy niyang dyowa ngayon matapos silang ipakilala sa isa’t isa ng kanyang boyfriend na aktor? Ayun, nagkahulihan sila ng loob hanggang sa ma-feel ng aktres na mahal na niya ang tomboy.

Ang nakakaloka rito, kamag-anak ng ex-boyfriend ng aktres ang tomboy. Nakakabaliw, hindi ba?

Hindi namin alam kung aware ang aktor na ang kanyang kamag-anak na lesbian ang ipinalit sa kanya ng aktres. Kung alam niya, isang malaking “ouch” ang masasabi namin sa kanya. Imagine, kalakaki niyang tao pero ipinagpalit siya sa isang tomboy.

Well, that’s life.

NAGULAT SI JED Madela dahil pati siya ay naiisyu na lilipat din sa GMA-7.

Kahit na nagbabakasyon ang singer sa Dubai noong Holy Week ay nag-tweet siya para tanungin kung bakit naiisyu na lilipat na siya sa Siyete.

Anyway, ang mukhang sure nang lilipat sa GMA-7 ay si Rachelle Ann Go. Although balitang-balita na anytime now ay aapir na siya sa Party Pilipinas, wala pa ring kumpirmasyon sa kanyang paglipat habang sinusulat namin ito.

Maging si Rachelle ay hindi pa rin alam kung ano talaga ang balak ng Viva sa kanya. Pero kung anuman iyon, wala rin naman siyang magagawa dahil management na niya ang masusunod.

Anyway, ang nakakaloka lang dito, sa kalabang show pa ng ASAP XV siya isasalang. Parang ang mangyayari sa kanya ay ‘yung nangyari kay Mark Bautista na kasamahan din niya sa Viva.

BONGGA NAMAN pala ang napangasawa ni Sunshine Dizon na si Timothy Tan.

Talagang tinotoo ni Sunshine ang statement niya noon na kung pakakasal lamang siya ay sa mayaman na.

May-ari pala ng Goodluck chain of supermarkets ang dyowa ni Sunshine na taga-Guagua, Pampanga. Mansyon daw ang bahay ng napangasawa ni Sunshine at talagang galing ito sa de buena familia.

Nakilala raw ni Sunshine ang kanyang husband nang manirahan siya sa Pampanga matapos na magkasakit noong isang taon. Isang kaibigang tibo ang nagpakilala raw kay Sunshine kay Timothy.

Binigla ni Sunshine ang lahat nang magpakasal siya sa kanyang non-showbiz husband. Anyway, tanggap naman ng kanyang madir na si Dorothy Laforteza ang kanyang napangasawa at wala naman silang problema. Tuluy-tuloy pa rin naman ang pag-aartista ng aktres kaya naman happy pa rin naman si Tita Dorothy. Next year na mangyayari ang church wedding ng couple dahil sa isang taon darating ang father ni Sunshine.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

14 thoughts on “Rachelle Ann Go, sasamahan na si Mark Bautista sa Siyete?!

  1. RACHELLE ANN should stay where she is.

    paano na ang GRAND FACE OFF? ang YRS? siya na lang ang marunong bumirit sa ASAP XV kasi si SARAH dinadaan na lang sa pa-celine celine para ‘di ma-obvious na hirap abutin ang mga high notes. ‘buti pa si ate JED..

  2. I hope Rachelle and Viva will clarify this issue. Ang dami nang naloloka sa issue na ito. Oo o hinde lang naman ang sagot.
    But I’m still hoping that she will stay at ASAP XV.

  3. LIKE DUH ?

    SUPER DESPERATE NA AND PARTY FAILIPINAS KAYA KUHA SILA NG KUHA NG TALENTS FROM ASAP !!

    ARE THEY NOT CONTENTED WITH THE TALENTS OF THEIR SO CALLED LA DIVA ? AT SA TALENTS NILA KYLA AT JAR-R ?

    GRABEH TALAGA !!!! KAWAWA NAMAN ANG TALENTS NG GMA NA HINDI SIKAT MASASAPAWAN LANG NG BAGONG LIPAT NA MAS SIKAT FROM ABS CBN !!!

  4. sad naman, i like rachel ann gus2 ko cya pag kumakanta at sumasayam, so sexy. ganon talaga, sana nga mas sumikat sya, for sure d nalang cya one the host kundi lelevel na din cya kina regine…

  5. Boss Vic ng Viva esep esep naman po kau. if you think foe your talent’s better future then stay with the number 1 network that is ABS-CBN.

  6. Talaga naman ang GMA gagawin ang lahat tumaas Lang rating nila ano ba yan.. What’s wrong viva kawawa naman mga talents nyo.

  7. para sa akin hindi sya kawalan sa asap. ok lang na lumipat sya para malaman nya kung pabor ba sa kanya ang lumipat pero sabi nga sa huli ang pagsisisi

  8. Wala na ang party pilipinas. Mga Gutierrez nga, hindi kayang ibangon ang palubog na PP. Huwag kang lilipat roon. Sayang ka.

  9. dpat hindi lumipat c rachelle s party pilipinas, kc baba ang star quality nya… dpat mag-stay na lang sya sa asap kc ang asap ang nagbigay ng true meaning ng singer… kc sa party pilipinas puro loveteam lang ang malimit ipakita… for sure pagtatapatin sila ni sarah. i’m not a fan of rachelle but nanghihinayang lang ako…

  10. kawawang Rachelle…labag sa kalooban nya. tsk.tsk.tsk.

    tignan niyo si Mark..masyadong pa-obvious na di masaya dun! lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.