Rachelle Ann Go, may dinaramdam kaya hindi lumalabas sa ASAP!

MARAMI ANG NAGTATANONG sa amin sa showbiz program sa DWIZ 882 KHZ sa Wow Ang Showbiz 11-12nn kung  bakit nga raw dalawang linggo nang hindi nakikita sa ASAP XV ang magaling na singer na si Rachelle Ann Go.

Maraming fans niya ang nami-miss na siya. Nandiyang nagtataka sila, may nagtatanong pa nga na baka raw kasama si Rachelle Ann sa mga artista ng Dos na lilipat ng TV5.

Mabuti na lamang at hindi totoo ang tsika. Mali ang hula nila.

Ayon nga sa aming impomante, may dinaramdam ngayon ang magaling na singer. Nagkaroon lang naman ng infection sa kanyang lalamunan. Nagpapagaling daw ito at sa susunod na linggo ay mapapanood na rin natin siya.
So, happy na naman ang kanyang mga fans.

BLIND ITEM: MAUGONG ang tsikahan ngayon sa isang hunk actor na may pagkaberde raw ang gugils nito. Marami ang hindi makapaniwala dahil nga sobra sa ganda ang katawan nito at nakadagdag pa ang kayang mga balahibo sa tiyan.

Ang istorya, minsan ay um-attend sa isang event ang hunk actor. May mga kasama siyang mga male models. Pero nalokah ang aming source nang biglang nilapitan nito ang guwapong model na matangkad at sabay sabing gusto nitong kunin ang cell phone number ng modelo.

Nagkakutob ang modelo kung bakit nagkainteres na kunin nito ang kanyang cell phone number. Nakaramdam siya na may pagkabading o AC-DC ang hunk actor.

Ang clue, may bali-balitang nanliligaw siya sa isang young actress na may dugong showbiz ang pamilya.

Naging produkto ng reality show ang bida natin dito sa blind item.

O, need n’yo pa ba ng clue?

Naku, tama na baka mahulan n’yo na.

Ang kanyang initials ay may konek sa nalalapit na semana santa.

‘Yun na!

HINDI NAAPEKTUHAN ANG kampo ng Diz iz It kung may mga nagko-comment man na sila ay gaya-gaya sa show na Showtime. Ang importante raw ay mas pinagbubutihan nila ang bawat episode araw-araw.

Hindi naman daw gaya ang kanilang show. At halos araw-araw ay may iba silang ipinapakitang bago.

“Kapag may tiyaga, may nilaga,” sey nila. “May improvemant naman.” dagdag pa.

Kaya huwag ng pagsabungin pa ang dalawang show. The more, the merrier.

Mas magandang tingnan na maraming trabaho ngayon kaysa wala, ‘di ba?

At masayang-masaya nga itong si Bayani Agbayani dahil nga maganda naman ang takbo ng kanyang career kahit na lumipat na siya sa GMA-7.

At hindi apektado ang friendship nina Bayani at Vhong Navarro. Show lang ang magkatapat at hindi nga sila-sila.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

Related Post

loading...

7 thoughts on “Rachelle Ann Go, may dinaramdam kaya hindi lumalabas sa ASAP!

  1. JC Tiuseco. Nanligaw kay maxene Magalona na may dugong showbiz ang pamilya, courtesy of Francis M. And initials ay may kabit sa semana santa, JC – for Jesus Christ. Yon na.

  2. hay si mareng jc sa survivor pa lang kita na ang kabadingan. nanghihipo rin ng kasamang varsity players sa baste.

Leave a Reply

Your email address will not be published.