Rachelle Ann Go, kumalas na sa Viva Artist Center

Rachelle-Ann-GoAYAW MAGSALITA nang patapos ni Rachelle Ann Go pagdating sa kung saan hahantong ang ginagawang panliligaw sa kanya ng dating PBB Housemate na si Slater Young. Nakatakda kasi siyang umalis sa susunod na buwan para sa isang taong stint sa Miss Saigon sa London.

Nakarating kasi kay Rachelle Ann na nagpaalam na raw sa ABS-CBN si Slater para sundan siya sa London at panoorin na rin ang play nito.

Umaasa naman si Rachelle na tutuparin ng dating PBB Housemate ang pangako at hindi ikinaila na kinilig siya sa gagawin ng actor.

Nasa dating stage pa lang daw sila ni Slater at ayaw ni Rachelle na mag-commit sa kahit na sinong lalaki lalo’t hindi niya alam kung magtatagal pa siya sa London.

Mahirap daw kasi ang long distance relationship kaya ayaw niyang seryosohin ang pag-ibig, pero kung mag-i-effort daw si Slater at maging coinsistent sa ginagawa nito ay baka raw magbago rin ang lahat.

Samantalang pinatotohanan ni Rachelle na kumalas na siya talaga sa Viva Artist Center bilang business manager niya. Naging maayos naman daw ang pag-uusap nila ng Viva.

Hindi na nga siya nag-renew ng kontrata dahil isang taon nga siyang mawawala ng ‘Pinas dahil sa paglabas niya sa Miss Saigon sa London.

Ngayon pa lang ay marami nang Pinoy ang naghihintay ng paglabas niya sa Miss Saigon lalo’t gagawin niya sa play na magsuot ng two-piece bikini na first time niyang gagawin magmula ng pasukin ang local movie industry.

Maging si Joey de Leon ay balitang pupunta ng London para panoorin ang play ni Rachelle at the same time ay gusto rin daw makita ng sikat na TV host/comedian ang pagsusuot ng bikini ni Rachelle.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

3 thoughts on “Rachelle Ann Go, kumalas na sa Viva Artist Center

  1. GAYBS starlets ang laos ni isa hindi nakapasa sa auditions ng Ms. Saigon! HINDI kayo world class hanggang TFC lang kayo pwe

Leave a Reply

Your email address will not be published.