Rachelle Ann Go keeps mum on her break-up with John Prats

NAGING SENTRO NG intriga si Toni Gonzaga dahil sa diumano pakikialam nito sa break-up nina John Prats at Rachelle Ann Go. Nabuking ang split-up ng dalawa nang magsalita ang singer-actress tungkol sa kanilang hiwalayan. Naintriga ngayon ang dalaga about the issue. Kapag ang topic ay kina John at Rachelle, hindi na nito sinasagot ang media sa kanilang mga katanungan.

Nabalita kasing totoong nagalit daw si Rachelle kay Toni sa naging pahayag nito. Siya ang tinutukoy sa tweet ng singer ng ‘respect’. Wala raw karapatan ang actress para makialam sa break-up nila. Tama lang daw ang pananahimik ngayon ni Toni.

Nagsalita na si John sa totoong status ng relationship nila ni Rachelle. Hindi diretsong inamin ng actor pero you can read between the line ang naging pahayag nito. Lumalabas kasi, si John ang nakipaghiwalay sa dalaga. May chika nga madalas silang makita ni Juanita Banana sa mga gimikan at ma-dalas itong nakababad sa dressing room ng dating beauty queen.

Last Friday, namataan namin ang staff at crew ng GMA-7 sa Ninoy International Airport, Terminal 1. Nagkataon namang papaalis kami nina Sheila Queto papuntang Hong Kong, China at Macau for 4 days vacation. Inaabangan nila ang pagdating ni Rachelle sa airport na aalis nang araw na ‘yung para mag-show sa Dubai. Ilang oras din silang naghintay para personal na makausap ang dalaga.

Hindi nagtagal dumating si Rachelle, sandali lang sila kinausap. Matipid ang mga naging pahayag ng singer tungkol sa split-up nila ni John. Hindi lang klaro kung sinabi nito ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.

 

MASAYA SI SENATOR Bong Revilla pagkatapos siyang mahirang na Sultan bilang pagkilala sa kanyang mga adhikain at pagtulong para sa ikauunlad ng mga kapatid nating Muslim sa Mindanao. Ginawang adopted son ang butihing senador ng probinsiya ng Sultan Kudarat. Ngayon nga ay isa na siyang Sultan, puwedeng mag-asawa ng apat.

Ipinangako ni Sen. Bong na hindi niya sasamantalahin ang ibinigay sa kanyang titulo para makapag-asawa ng Muslim. Tapos na raw siya sa pagiging babaero. Nag-iisa lang sa puso’t isipan niya si Congw. Lani Mercado. Ang priority ng action star ay makatulong sa mga ito, ipagtanggol ang mga walang kasalanan at hulihin ang may sala.

Ang enthronemet and conferment ceremony ay ginawa sa Sultan Kudarat Provincial Capitol. Pormal na binigyan ng kapangyarihan ang mangbabatas bilang ‘Prince of Justice’. Itutuloy niya ang pagtataguyod para sa Mindanao at pangalagaan ang kapakanan ng mga naninirahan sa nasabing lugar.

Seryosong sinabi ni Sen. Bong na hindi niya dudungisan ang titulong ibinigay sa kanya. Ipaglalaban ng butihing senador ang karapatan nila. Hindi ba’t siya ang nagsulong sa agarang pagpasa ng Senate Bill 1990? Siya rin ang author na magbabawal sa paggamit ng mga salitang Muslim at Islamic sa lahat ng media bilang pagbanggit sa mga pinaghihinalaan, nasisentensiyan sa anumang krimen. Binanggit din niya na kapag naging batas na ito, puwedeng maging daan para magkaroon ng kapayapaan at kaunlaran ang Mindanao.

Sa nasabing special event ni Sen. Bong, kasabay ang mga Malaysian nationals ay attested by former Congressman Sultan Pakung Mangudadatu bilang Rajah Buayan Sultanate IV ng Mindanao at Dato Dr. Hajji Yassin Noor, Honorary Chairman of the Royal Mindanao-Malaysia Friendship Society.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

10 thoughts on “Rachelle Ann Go keeps mum on her break-up with John Prats

  1. magsitigil ang mga detractors! kung magsalita kayo parang si pandak pa ang nadehado. sino kaya ang hiniwalayan sa text lang? kung paawa epek si rachelle ano pa kaya ang dapat itawag sa ginawa ni sarah ngongo? hindi ba mas lalo pa siyang na-overexpose dahil sa issue nila nina rayver at cristine?

  2. Paawa epek lng si rachel pra s knya ang sympathy ng tao. Maybe she got really mad when Jp broke up with her kya kunwari wala sha alam…i mean bittervlng ba. I dnt think na papatulan ni bianca manalo si Jp, well sana hnd kc pg naging sila ewan ko nlng. 

  3. losser  kasi c toni tsismosa feeling actress, singer and host …. eh kahit ano dito walang award tse talaga sayo toni bwisit ka….sana mangyari sa iyo ang nagyari kay rachelle ann

  4. kaya nga ayaw magsalita ni Rachelle kasi ayaw nyang mapagbintangang gimikera at ginagamit lang ang situation sa publicity…kung iba-iba yan, baka nagpa presscon na at umiyak on national tv dahil sa ginawa sa kanya nina John at Bianca, pati na nina Toni, Mariel, Matteo at ang bagsak sa ratings na HYY.. mas malaking publicity at exposure yun di ba? pero pinili nyang maging tahimik at tama lang na ipagpasa DIyos na lang nya ang nangyari

  5. yeah right,,nakabuti pa nga yung issues kay Rachelle..at least free publicity kasi nga naman kung walang ganitong mga issue..for sure forgets na sya ng masa!?…

  6. Toni Gonzaga?..para nga namang hindi ka rin artista at parang hindi babae..nakakahiya nga namn s part ni rachelle na malaman na iniwanan sya ni john dahil sa ibang babae…

  7. Kahit naman noong past relationship ni Rachelle, she was quiet too..hindi nagsasalita. Diba si John sobrang galit kay Shaina noon for 2 timing daw with JLC? Well, ginawa rin pala niya kay Rachelle ito eh and now in denial siya…tsk, tsk. For Toni, kasi naman girl, wala ka naman talagang karapatan to divulge this kahit pa showbiz host ka, you should have left it to the parties involved and the statement coming from them.it is their right..ang sakit naman talaga sa girl iyon na doon pa niya nalaman at parang pinamukha mo pa na kaya siya iniwan eh dahil nakahap ng iba…another, tsk, tsk.

  8. Good. Keep mum. it is becoming a publicity issue. Nagiging parang si Nina, ang diamond star na laging kinakanta ang I’ll get over you , noon, pero dahil sa panay panay, Umay, umay na rin Rachelle is using this situation for publicity reasons. Mukhang nae-enjoy pa niya ang nangyari. Kung hindi dahil sa issue na ito, limot na rin siya nang tao. .

  9. Pingback: Rachelle Ann Go keeps mum on her break-up with John Prats - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.