Rachelle Ann Go, itinanggi si Cesar Montano at Andrei Felix!

MATAPOS ANG ACTING stint ni Rachelle Ann Go sa Nita Negrita, isa naman ang singer sa mga

mentors sa bagong talent search ng GMA-7 na Protégé at meron pa siyang bagong 14-track album, kung saan may dalawa siyang original compositions. ‘Yan ba ang nalalaos na, aber? Nagsalita na rin si Rachelle

tungkol sa tsismis sa kanila ni Cesar Montano, kung saan nag-ugat sa isang blind item na isang aktor at isang singer na kabe-break lang sa boyfriend nito ang nagkamabutihan sa isang event abroad. si Rachelle bilang ang singer na kabe-break lang sa boyfriend. Itinanggi ng Kapuso singer ang intriga at sinabing nagkasabay nga sila ng aktor sa isang event abroad at hanggang d’un lang daw ‘yun at wala nang iba at huwag daw bigyan ng malisya. Idinenay rin niya ang pagkaka-link kay Andrei Felix na nakita raw silang nagde-date. Umamin ang singer na lumabas sila ng MYX VJ pero marami raw silang kasama at wala ring namamagitan sa kanila ng binata. Ganyan?

Photos by Ricky Agapito, Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin 

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

6 thoughts on “Rachelle Ann Go, itinanggi si Cesar Montano at Andrei Felix!

  1. Hoy mga Rachelle haters, anong play-girl at ang dami na naging bf si Rachelle? Tatlo lang, madami na yun? Eh ano tawag niyo sa maraming artista diyan na iniidolo niyo na naka 10 or more bf na? Aber? FYI, maraming lumigaw kay Rachelle in the past. Kung play-girl siya, eh di naka 10 or more bf na rin siya. Pero hindi. Totoo niya nimahal mga naging bf niya. Hindi lang siya basta basta sumasagot sa mga lalaki. About the blind item nila ni Cesar at issue kay Andrei, part lang yan ng mga lies ng ABS-CBN para siraan si Rachelle to protect John Prats and Bianca Manalo. PEP Scoopbox once tweeted na spotted Rachelle and Christian having dinner at Singapore…eh at that time nasa Brunei si Rachelle, not Singapore. Anong klasing patawa yun? It’s obvious sinisiraan lang nila si Rachelle.

Leave a Reply

Your email address will not be published.