Rachelle Ann Go, inspirasyon sa kanyang Miss Saigon si Lea Salonga

Rachelle-Ann-Go-Lea-SalongaSUPER SUCCESSFUL ang concert ni Lea Salonga sa PICC kamakailan lang. Napuno niya ang venue kahit mahal ang tiket. World class naman kasi kung mag-perform ang international singer/actress kaya’t sulit ang binayad ng mga manonood. Puro mga rich people daw ang mga fans ni Lea na nasa front row, karamihan sa mga ito ay Chinese, kasama ang kani-kanilang pamilya.

Kapansin-pansin on stage ang pagiging slim ni Ms. Lea nang gabing ‘yun. Lalong tumingkad ang kakaibang ganda niya while performing. Lahat nga nang makausap naming nakapanood ng show ni Lea sinasabi nila, a night to remember for the year 2013.

Laking panghihinayang ko, hindi ko pinanood ang concert ni Lea kahit last minute ako nakatanggap ng ticket. Next year, keber kahit mag-buy ako ng ticket, watch talaga ako. Nang maglabasan nga raw ang mga nanood, lahat masaya. Super silang nag-enjoy sa makatindig balahibong performance ng dating Miss Saigon. Kakaiba raw ang line-up of songs na inawit ng international singer/actress. Makabago na bumagay naman sa boses niya. Inawit din ni Ms. Lea ang pinasikat niyang Disney songs at ilang cut from Miss Saigon plus “Sana’y Maulit Muli”.

Special guest din ni Ms. Lea si Rachelle Ann Go, napiling lead star sa Miss Saigon. Umaalagwa ang boses nito nang umawit ito on stage. Naging inspirasyon daw niya ang international star kaya’t nagkalakas siya ng loob para mag-audition sa Miss Saigon. Now, na-realize ni Rachelle na ang boses niya ay pang-Broadway, pang-international pala. Kung dati-rati, ginagaya niya si Sarah Geronimo at Yeng Constantino dahil sa type of songs na kinakanta niya. Magbabagong-bihis na ngayon ang singer/actress after nang kanyang Miss Saigon. Abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Rachelle Ann Go, inspirasyon sa kanyang Miss Saigon si Lea Salonga

Leave a Reply

Your email address will not be published.