Rachelle Ann Go, iniwasan ang halik ni Gab Valenciano – Pilar Mateo

ILANG ORAS BAGO simulan ang AS1 concert nina Martin Nievera at Gary Valenciano sa SM Mall of Asia grounds, kakulitan ko sa backstage ang anak ni Gary na si Gabriel. Tinanong ko sa kanya kung manonood ang kanyang girlfriend na si Rachelle Ann Go at kung okay na ba sila mula sa kung anong tampuhang namagitan sa kanila.

Umiling ang binata ni Gary at sinabing ‘di niya alam if Rachelle is watching dahil hindi pa rin sila nagkakausap nang maayos.

Nabanggit nga ni Gab sa presscon nila ni Robin Nievera na selos ang isa sa dahilan ng pag-aaway nila ni Rachelle. Friendly itong si Gab at sa Facebook account nito, eh, nakikipagkumustahan ito sa past girlfriends niya, bagay na hindi maintindihan ni Rachelle.

Nakita ko si Rachelle sa AS1 concert at tinanong ko kung nakita na siya ni Angeli Pangilinan-Valenciano. Nahihiya raw siya kaya kahit na sa backstage siya dumaan, eh, hindi na siya nagpunta sa dressing room. Nang ihahatid ko na si Rachelle sa upuan nila, nagbago ang isip nito at gusto na raw niyang puntahan si APV to greet her.

Sa backstage, Rachelle was greeted by common friends nila ni Gab. At nandoon si Gab. Habang akay-akay ko si Rachelle papunta sa dressing room, binati siya ni Gab at nang akmang hahalik na ang binata sa dalaga, iniwas ni Rachelle ang mukha niya at iba ang hinalikan.

PINAG-UUSAPAN NAMAN DAW ng partnership na Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano ang paglagay sa tahimik. Pero ito, eh, mangyayari kung na-enjoy na nila ng husto ang mga bagay na siya pa nilang pinagkakaabalahan ngayon sa mga buhay nila.

Ngayon pa lang nagawa ni Direk Paul ang kanyang first full length feature film, ang A Journey Home featuring Soliman Cruz, Joem Bascon at ni Toni nga.

Nagkuwento sila ng engkuwentro nila sa set. At madalas daw na biruin ni Toni si Direk Paul sa trabaho nila lalo na at paulit ito nang paulit ng take. Na okay na ang ginawa nila at pwede na. Buwelta naman daw ni Direk Paul sa kanya, eh, kung ganon din daw ba si Toni sa ibang direktor niya.

Drama ang tema ng pelikulang magpi-premiere sa October 3 sa Cinemas 8, 9 and 10 ng SM Megamall na para sa buong pamilya. At sa October 10 naman, may screening ito sa Alabang New Life Christian Center sa no. 2 Don Manolo Blvd., Alabang Hills Village sa Muntinlupa. Open to the public daw ito at free admission.

Natanong din ang dalawa kung selos din ba ang isang bagay na madalas nilang pag-awayan sa kanilang relasyon.

Say naman ni Direk Paul, nu’ng una, nagseselos talaga siya sa mga lalake’ng inili-link kay Toni kahit na ipinapaliwanag na sa kanya ni Toni na trabaho lang ito. Pero unti-unti naman pala, eh, naipakita at naiparamdam sa kanya ng dalaga ang lahat. Kaya, kahit na may una ng mga naugnay dito gaya ni Sam Milby, ipinapanood daw niyang lahat kay Direk Paul ang mga pelikulang pinagsamahan nila. Kaya ngayong kailangan nila uling gumawa ng pelikula ni Sam eh, hindi na raw kailangan ni Direk na pag-selosan pa ito.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

9 thoughts on “Rachelle Ann Go, iniwasan ang halik ni Gab Valenciano – Pilar Mateo

  1. oo nga noh..lahat ng universisties at school dito sa states has started all ready!bakit nandiyan pa siya???if i were you boy go back to school.kasi mukang wla ka naman mapupunta sa showbiz eh..di ka naman gwapo.chickboy ka.mag aral ka try mo public service or something behind da camera.baka doon may success ka.kasi wla ka shobiz career.at pangit ka pa!!!!

  2. Toni Gonzaga and Paul Soriano are some of my favorites. Their closeness and respect for each other together with their christian beliefs are a perfect recipe for a long term relationship. I commend them for what they are doing. We love you Toni and Paul.

  3. pagselosan ba naman ang th na boyfriend, akala ko halos maiyak si rachelle at mag-aaral daw sa amerika si gab. hanggang ngayon nasa pinas pa rin. baka inip na si rachel kasi bakit di pa naalis. nagoyo ka rachelle.

  4. “iniwas ni Rachelle ang mukha niya at iba ang hinalikan.” di ko na-gets. sorry. what does she mean na iba ang hinalikan?

  5. Pilar Mateo, mukhang OK ang write up mo ngayon. Masasabi ko lang kay Rachelle, what is there to be selos about? Hindi naman kaguwapohan si Gab. . .di ba?

    • Lol… Kung mahal mo ang isang tao hindi mo talaga maiiwasan magselos wala sa itsura yan. Mukhang hindi ka pa nakaranas ah… lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.